Ogie D kay Sabrina M: "Po-promote lang ng pelikula gagamit pa ng pangalan ng patay"

Ogie D kay Sabrina M: "Po-promote lang ng pelikula gagamit pa ng pangalan ng patay"

- Sinabi ni Ogie Diaz na wala umanong katotohanan ang nabanggit ni Sabrina M kamakailan tungkol sa nakaraan nila ni Rico Yan

- Matatandaang nasabi ni Sabrina na nagkaroon umano sila ng dalawang taong relasyon ni Rico

- Sinabi pa nitong alam daw ito ni Claudine Barretto at ng kapatid ni Rico na si Bobby

- Isa umanong kaibigan ni Sabrina ang nagsabing tila pinanindigan nalang nito ang nasabi kahit alam nilang wala itong katotohanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa bagong Ogie Diaz Showbiz Update ay ang tungkol sa sinasabi ni Sabrina M na nagkaroon umano sila ng relasyon ng namayapang aktor na si Rico Yan.

Ogie D kay Sabrina M: "Po-promote lang ng pelikula gagamit pa ng pangalan ng patay"
Photo: Sabrina M
Source: Instagram

Matatandaang nasabi pa ni Sabrina na dalawang taon umano ang itinagal ng relasyon nila ni Rico na alam pa raw 'di umano nina Claudine Barretto at ng kapatid ni Rico na si Bobby.

Read also

Claudine Barretto, balak magdemanda dahil sa nasabi ni Sabrina M ayon kay Ogie Diaz

Subalit napag-alaman ni Ogie na wala umanong katotohanan ang mga nasabi na ito ni Sabrina na tila pampaingay lamang sa bago niyang pelikula.

"Di daw totoo. Di daw po totoo yun. Dahil sinabihan na po ng isang kaibigan si Sabrina M na wag nang ikakalat ang hindi totoo. Dahil ang totoo, naging gentleman si Rico Yan sa kanilang lahat, sa kanilang mga girls. That includes si Sabrina M," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ano ba yan Sabrina M, magbabalik tapos negative. Kaibigan na ni Sabrina M ang nagsabi, tigilan mo na 'yan kasi 'di totoo," dagdag pa nito.

"Ang sabi raw ni Sabrina M, e hayaan mo na nandiyan na 'yan," ayon daw umano sa kaibigan ni Sabrina na nakausap ni Ogie D.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Read also

Ogie D, dinipensahan si Joey de Leon: "Ang importante, hindi personalan na atake"

Si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang."

Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa noong March 29, 2002. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel