Ogie D, dinipensahan si Joey de Leon: "Ang importante, hindi personalan na atake"

Ogie D, dinipensahan si Joey de Leon: "Ang importante, hindi personalan na atake"

- Dinipensahan ni Ogie Diaz si Joey De Leon sa mga napapansin ng netizens sa naturang 'E.A.T.' host

- Ito ay matapos na mag-viral ang ilan sa mga post nito kung saan mayroon umanong pasaring sa iba nitong kasabay na noontime show

- Ani Ogie, noon pa ma'y ganoon na magpatutsada si Joey at ang mahalaga umano ay hindi ito personal

- Si Joey De Leon ay isa sa mga orihinal na host ng 'Eat Bulaga' at ngayo'y nagbabalik noontime sa programa nilang 'E.A.T.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Ogie Diaz ang TV host comedian na si Joey De Leon sa mga netizens na nagsasabing nadadalas na umano ang pasaring nito.

Ogie D, dinipensahan si Joey de Leon: "Ang importante, hindi personalan na atake"
Joey de Leo (@angpoetnyo)
Source: Facebook

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, natalakay nina Ogie, Mama Loi at Tita Jegs ang puna ng netizens tungkol sa mga post ni Joey kamakailan.

Read also

Ogie D, nabalitaang 'di na isinama sa isang show si Awra dahil sa umano'y bar brawl sa Makati

"Actually yaan, noon pa man, ganyan na si tito Joey sa mga ganyan niyang pahirit. 'Yan din kasi ang nagpapalakas ng panonood ng mga tao e. 'Ay baka may sabihin ulit si Joey kailangan live marinig ko na hindi yung mabasa ko lang dahil viral," ani Ogie.

Paliwanag ni Ogie, maaring isang paraan umano nito ni Joey upang abangan muli sila ng mga tao sa kung ano ang posibleng masabi niya sa kanilang programa o sa kanyang mga social media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Feeling ko, yun ang ano ni Joey. 'Yung goal niya is ma-viral ule at mas ma-curious pa 'yung mga tao na manood sa live."

Aniya, ang mahalaga, tila madalas kulitan ang nasasabi nito, "Ang importante, hindi personalan na atake."

Narito ang buong talakayan mula sa Ogie Diaz Showbuz Update YouTube channel:

Read also

Cristy kay Ricci Rivero: "Anong gusto mong palabasin, na si Andrea ay isang just just?"

Si Joey De Leon, ay isang komedyante, songwriter at isa sa mga haligi ng 'Eat Bulaga'. Siya rin umano ang nakaisip ng pangalan ng programang minahal ng mga Pilipino sa loob ng 44 taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating 'Eat Bulaga' host na piniling sumama pa rin sa kanila. Sa ngayon, isa sa mga pinakaabangan ng marami ay kung ano ang magiging pangalan ng kanilang noontime show sa bago nilang tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel