Ogie D, nabalitaang 'di na isinama sa isang show si Awra dahil sa umano'y bar brawl sa Makati

Ogie D, nabalitaang 'di na isinama sa isang show si Awra dahil sa umano'y bar brawl sa Makati

- Nakarating kay Ogie Diaz ang tungkol sa show sanang kabibilangan ni Awra Briguela

- Tila naudlot ito dahil sa umano'y gulong kinasangkutan nito sa isang bar sa Makati kamakailan

- Ayon pa kay Ogie Diaz, isa pa rin sa mga problemang kinahaharap ni Awra ay ang pagsisinungaling nito sa kanyang ama

- Ang paalam ni Awra, nakatira ito sa condo ng kanyang manager na si Vice Ganda sa loob ng anim na buwan na subalit wala raw pala itong katotohanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa rin sa mga nabalitaan ni Ogie Diaz tungkol kay Awra Briguela ay tungkol sa isang show na kabibilangan nito.

Ogie D, nabalitaang 'di na isinama sa isang show si Awra dahil sa umano'y bar brawl sa Makati
Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, sinabing napurnada ang isang proyekto sana na kasama si Awra dahil sa kaguluhang kinasangkutan nito sa isang bar sa Makati kamakailan.

Read also

Awra, umano'y nagsinungaling sa ama; inakalang nakatira sa condo ni Vice Ganda

"E ang nakakaloka Loi, June 30 naganap 'yung insidente sa Pobla, July 1 dapat ilo-launch na, Kasama sa launch si Aura sa isang show," ani Ogie Diaz.

Sa naturang episode din naisiwalat ni Ogie Diaz ang isa pa umanong isyu kay Awra kung saan nagawa raw nitong magsinungaling sa kanyang ama nang sabihing nakatira ito sa condo ng manager niyang si Vice Ganda sa loob ng anim na buwan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"At ang nakakaloka pa, 'yung mali na yun, e nakaabot lang sakin ah. Na-shock yung tatay ni Awra Briguela. Akala nung tatay all along nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng mga six months na. 'Yun ang paalam ni Awra sa tatay na hindi alam ni Meme.'Yun pala, sa mga barkada natutulog itong si Awra. nag-eenjoy sa barkada."

Read also

Cristy, dinipensahan si Willie sa umano'y pagpuna nito sa EB: "Hindi niya gagawin 'yun"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie D, Mama Loi at Tita Jegs mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

June 29, nang gumulantang sa publiko ang umano'y kinasangkutang gulo ni Awra Briguela sa isang bar sa Makati City. Unang lumabas na dahilan ang umano'y pagtatanggol ni Awra sa kaibigang naagrabyado. Subalit matapos na lumabas ang mga CCTV footage at ilang mga saksi sa nangyari, iba ang makikitang dahilan nito. July 1 nang makalabas si Awra sa Makati Police District.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel