Cristy, dinipensahan si Willie sa umano'y pagpuna nito sa EB: "Hindi niya gagawin 'yun"

Cristy, dinipensahan si Willie sa umano'y pagpuna nito sa EB: "Hindi niya gagawin 'yun"

- Dinipensahan ni Cristy Fermin si Willie Revillame sa mga nagsasabing pinupuna nito ang mga bagong host ng 'Eat Bulaga'

- Ani Cristy, hindi siya naniniwalang magagawa ni Willie na tumawag sa production staff para lang maliitin ang isang programa

- Minsan na rin umanong napabalita na inalok ng mga Jalosjos ng TAPE Inc. si Willie Revillame na maging bahagi ng 'Eat Bulaga' noong July 1

- Tinanggihan din umano ito ni Willie gayung mataas daw ang respeto nito kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Cristy Fermin si Willie Revillame sa mga nagsasabing tumatawag daw umano ito sa production staff ng Eat Bulaga sa GMA.

Cristy, dinipensahan si Willie sa umano'y pagpuna nito sa EB: "Hindi niya gagawin 'yun"
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napapabalitang nagbibigay ng komento si Willie sa naiwang Eat Bulaga ng TVJ subalit hindi naman ito basta paniwalaan ni Cristy.

Read also

Nagkakalat ng fake news na matatapos na ang EB, kakasuhan ayon sa source nina Ogie D

"Ako sa pagkakilala ko sa kanya, sabihin na nating mayabang siya at padaskol-daskol kung magsalita sa personal. Totoo po 'yun. At ako nama'y paninindigan ko kung ano 'yung mga sinabi ko noon. Pero sa pagkakilala ko sa kanya sa tagal na po ng panahon. Hindi siya 'yung magmamaliit ng isang programa, mamimintas ng kasamahan, yung titext sa production staff ng hindi lehitimong Eat Bulaga at sasabihing, ano ba naman yang mga host niyo, para namang lalatoy-latoy wala manlang kadating-dating. Hindi siya 'yun, hindi niya gagawin 'yun," pahayag ni Cristy kay Willie.

Matatandaang napabalita rin ang pagkausap umano ng magkakapatid na Jalosjos ng TAPE Inc. kay Willie para kumbinsihin sana ito na maging bahagi ng July 1 episode ng Eat Bulaga. Ito ang petsa ng launch ng E.A.T. sa TV5 at It's Showtime sa GTV ng GMA.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Cristy kay Ricci Rivero: "Anong gusto mong palabasin, na si Andrea ay isang just just?"

Subalit mariin din daw itong tinanggihan ni Willie dahil malaki umano ang respeto nito sa TVJ.

Narito ang kabuaan ng talakayan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Cristy Fermin at Willie Revillame dahil sa umano'y naging pasaring ni Willie sa taong pinaniniwalaan ni Cristy.

Isang araw matapos na mangyari ito sa programa niya noon na Wowowin. Inamin niyang si Cristy nga ito at humingi na umano ng sorry.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel