Cristy kay Ricci Rivero: "Anong gusto mong palabasin, na si Andrea ay isang just just?"

Cristy kay Ricci Rivero: "Anong gusto mong palabasin, na si Andrea ay isang just just?"

- Maging si Cristy Fermin ay umalma sa pagsasalita ni Ricci Rivero sa hiwalayan umano nila ni Andrea Brillantes

- Animo'y 'kiss and tell' umano ang nagawa ni Ricci na sinabi pa ang pagtulog nila ni Andrea sa kani-kanilang tirahan

- Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ni Andrea sa iba pang detalye ng pagtatapos ng relasyon nila ni Ricci

- Inaasahang mas mabibigyang linaw ang lahat kung si Andrea na mismo ang maglalabas ng kanyang panig sa isyung ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan din maging ni Cristy Fermin ang ginawang pagsasalita ni Ricci Rivero tungkol sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.

Cristy kay Ricci Rivero: "Anong gusto mong palabasin, na si Andrea ay isang just just?"
Ricci Rivero and Andrea Brillantes (@ricciiirivero)
Source: Instagram

Matatandaang si Ricci ang unang nagsiwalat na tapos na ang relasyon nila ng 'Kadenang Ginto' star.

Sa Interview naman sa kanya ni Boy Abunda, mas lalong nakapagbigay ng detalye si Ricci tungkol sa isyu ng hiwalayan at isa na roon ay ang sinasabi niyang pag 'sleep together' ni Andrea.

Read also

Awra, umano'y nagsinungaling sa ama; inakalang nakatira sa condo ni Vice Ganda

Ani Cristy, tila hindi maganda umano na nasabi pa ito ni Ricci na hindi lamang nakaapekto sa kanila ni Andrea kundi maging sa kanilang mga magulang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Anong gusto mong palabasin? na si Andrea Brillantes ay isang just just?" ani Cristy.

"Di pa ba pagdedetalye yung sinabi mo na natutulog na kayo sa bahay ng isa't isa? At may basbas 'yan ng inyong mga magulang"
"At yun na nga ang nangyayari ngayon. Konti pa lang ang inilalabas ni Blythe. Bungi- bungi ang kwento mo. Sana idinetalye mo para naging pasable para sa akin. Kaso kulang-kulang"

Ayon pa kay Cristy, kawawa umano si Ricci kung sakaling magdesisyon si Andrea na ilahad ang talagang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!

Read also

Cristy, dinipensahan si Willie sa umano'y pagpuna nito sa EB: "Hindi niya gagawin 'yun"

Si Andrea Brillantes is a Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Kamakailan lang, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel