Awra, umano'y nagsinungaling sa ama; inakalang nakatira sa condo ni Vice Ganda

Awra, umano'y nagsinungaling sa ama; inakalang nakatira sa condo ni Vice Ganda

- Nakarating umano kay Ogie Diaz ang isa pang bagay na ikinagulat ni Vice Ganda at ama ni Awra Briguela

- Sinasabing anim na buwan na umano ang nakararaan nang magpaalam si Awra sa ama at sinabing nakatira umano siya sa condo ni Vice Ganda

- Wala umano itong katotohanan at sa mga kabarkada niya tumutuloy si Awra sa mga panahong hindi siya nakakauwi sa kanilang tahanan

- Kamakailan, nasangkot sa isang kaguluhan sa bar si Awra at ang mga CCTV footage sa lugar ang tila nagsiwalat ng totoong nangyari sa araw na iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang source umano ang nakapagparating kay Ogie Diaz ng isa pa umanong insikdente kung saan tila hindi nagsabi umano ng totoo ang komedyanteng si Awra Briguela.

Awra, umano'y nagsinungaling sa ama; inakalang nakatira sa condo ni Vice Ganda
Vice Ganda and Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Facebook

Ayon kay Ogie, matapos ang insidenteng kinasangkutan umano ni Awra sa isang bar sa Makati, isang rebelasyon din ang nangyari na gumulantang maging sa ama nito.

Read also

Ogie D, nabalitaang 'di na isinama sa isang show si Awra dahil sa umano'y bar brawl sa Makati

"At ang nakakaloka pa, 'yung mali na yun, e nakaabot lang sakin ah. Na-shock yung tatay ni Awra Briguela. Akala nung tatay all along nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng mga six months na. 'Yun ang paalam ni Awra sa tatay na hindi alam ni Meme."

Dahil wala umanong katotohanang sa condo ni Vice tumutuloy si Awra, nalaman nilang sa mga kabarkada ito naninirahan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ngayon, nananatiling tahimik ang manager ni Awra na si Vice Ganda tungkol sa insidente na kinabilangan ng kanyang alaga.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

June 29, nang gumulantang sa publiko ang umano'y kinasangkutang gulo ni Awra Briguela sa isang bar sa Makati City. Unang lumabas na dahilan ang umano'y pagtatanggol ni Awra sa kaibigang naagrabyado. Subalit matapos na lumabas ang mga CCTV footage at ilang mga saksi sa nangyari, iba ang makikitang dahilan nito. July 1 nang makalabas si Awra sa Makati Police District.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel