Sabrina M, nagbahagi ng video tungkol sa kaibigang naninira

Sabrina M, nagbahagi ng video tungkol sa kaibigang naninira

- Nagbahagi si Sabrina M ng isang video sa TikTok tungkol sa aniya'y taong naninira sa kanya

- Aniya, ganun din ang ginagawa nito kapag kinakausap siya ng taong kanyang tinutukoy

- Wala naman itong binaggit na pangalan pero aniya sa caption ay "tamaan, sapul"

- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagsasalita ng kaibigan niyang si Katrina Paula kung saan pinabulaanan nito ang pahayag ni Sabrina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Sabrina M ng video na aniya ay real talk para sa taong naninira sa kanya. Wala naman itong binaggit na pangalan pero aniya sa caption ay "tamaan, sapul".

Sabrina M, nagbahagi ng video tungkol sa kaibigang naninira
Sabrina M, nagbahagi ng video tungkol sa kaibigang naninira (Sabrina M/Facebook)
Source: Instagram

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagsasalita ng kaibigan niyang si Katrina Paula kung saan pinabulaanan nito ang pahayag ni Sabrina.

Nagsalita si Katrina sa programa ni Cristy Fermin at kinalaunan ay nakasama si Claudine Barretto na umalma sa naging pahayag ni Sabrina tungkol sa umano'y relasyon nila ni Rico Yan.

Read also

Pambansang Kolokoy, nilinaw na kailanma'y 'di naisama sa picture o video ang bagong partner

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maricaren Pallasigue na mas kilala bilang si Sabrina M ay isang aktres sa Pilipinas noong 90's. Kamakailan, nagbabalik showbiz siya sa pelikulang "Manang." Nito lamang Hulyo 6, sa presscon ng naturang pelikula, ginulantang niya ang publiko sa umano'y rebelasyon tungkol sa naging relasyon nila ni Rico Yan. Sa kwento niyang ito, lumalabas na siya ang huling nakarelasyon ng aktor bago ito namayapa. Bilang patunay, sinabi pa ni Sabrina na sa libing ng aktor, inabutan pa siya ng bulaklak ng kapatid ni Rico na si Bobby para maisaboy sa kabaong ng aktor.

Maging si Cristy Fermin ay umalma sa umano'y rebelasyon kamakailan ni Sabrina M tungkol sa namayapang aktor na si Rico Yan. Ani Cristy, imposible ang sinasabing dalawang taong relasyon nina Sabrina at Rico gayung si Claudine ang huling nakarelasyon ng aktor. Kaugnay nito, inalala rin ni Cristy ang pagkakataong siya ang naging daan para makausap lang ni Claudine ang labi ni Rico. Ito ay dahil sa binawalan umano ng pamilya ng aktor na magtungo si Claudine sa burol nito.

Ayon kay Sabrina M, wala daw mangyayaring public apology kaugnay sa kanyang sinabi sa umano'y naging ugnayan nila ng yumaong aktor na si Rico Yan. Matatandaang pumalag ang kampo ni Claudine sa pahayag niyang ito at pinasinungalingan din ng isang kaibigan ni Sabrina ang tungkol sa umano'y relasyon nila noon. Matapos nga ang paglabas ng balita ay inihayag ng kampo ni Claudine ang plano ng kampo nila na magsampa ng kaso. Binigyan si Sabrina ng 72 hours ng abogado ni Claudine para mag-public apology at lumagpas na nga ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel