Sarah Geronimo, sinabing isa siyang maswerteng misis

Sarah Geronimo, sinabing isa siyang maswerteng misis

- Maituturing daw ni Sarah Geronimo ang kanyang sarili bilang isang maswerteng misis

- Sa panayam sa kanilang mag-asawa ng PUSH, naibahagi ni Sarah na sa kabila ng pagiging abala ng kanyang mister ay isa itong mabuting asawa

- Proud daw siya sa kanyang asawa na napagsasabay-sabay ang pagiging businessman, athlete at parang magulang na rin daw niya ito kapag matigas ang ulo niya

- Para naman kay Matteo si Sarah ay 'the best in many ways' na pabirong sinagot ni Sarah

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni Sarah Geronimo ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli dahil sa pagiging mabuting asawa nito. Sa panayam ng PUSH, sinabi ni Sarah na pinagmamalaki niya ang kanyang asawa na kayang pagsabayin ang pagiging businessman, athlete at mabuting asawa.

Sarah Geronimo, sinabing isa siyang maswerte siyang misis
Sarah Geronimo, sinabing isa siyang maswerte siyang misis (@justsarahgph)
Source: Instagram
Alam niyo sobra akong maswerte at proud dito sa asawa ko kung paano niya na-ju-juggle, napagsasabay-sabay lahata. He is a businessman, an athlete, a good husband. Parang magulang ko na rin siya pagka matigas ang ulo ko. Swerte ko sa asawa ko kasi nagagampanan niya lahat ng roles niya at saka talagang masasabi kong maswerte po akong misis. kaya lang hindi ko lang alam kung maswerte ang asawa ko sa akin.

Read also

Rosmar, naikwento ang tungkol sa asong may galis na tila simula ng kanyang skincare business

Para naman kay Matteo si Sarah ay 'the best in many ways' na pabirong sinagot ni Sarah.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Dumalo sina Sarah at Matteo Guidicelli sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine. Sa binahaging picture ng Instagram ng -ashmatt (fans ng mag-asawang Sarah at Matteo) kasama nila ang kapatid ng ina ni Sarah. Marami ang natuwa lalo na ang mga fans ni Sarah dahil kahit umano pa-unti-unti ay nagiging maayos na ang relasyon ni Sarah sa pamilya. May mga umaasang ito na ang simula ng pagkakabati ng mag-ina na matagal na ring nagkatampuhan.

Binati ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sarah na ang kanyang mga magulang ang superheroes ng kanyang buhay. Binati niya ng Happy Mother's Day ang kanyang mommy kalakip ng kanyang pasasalamat sa aniya'y walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal. Sa kanyang pagbati ay binahagi ni Sarah ang pictures niya kasama ang kanyang mga magulang.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel