ABS-CBN at GMA executives pumirma na ng kontrata para sa paglabas ng It's Showtime sa GTV

ABS-CBN at GMA executives pumirma na ng kontrata para sa paglabas ng It's Showtime sa GTV

- Pormal nang nagkapirmahan ng contract ang ABS-CBN at GMA executives para sa paglabas ng 'It's Showtime' sa GTV

- Nagbigay ng mensahe si ABS-CBN executive na si Carlo Katigbak at si Felipe Gozon ng GMA-7

- Ani Mr. Gozon, buong puso nilang tinantanggap ang popular na programang 'It's Showtime'

- Dagdag pa niya, ang TV wars ngayon ay tapos na dahil sa kanilang kompetisyon bilang dalawang heganteng TV stations

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkapirmahan na ng kontrata ang ABS-CBN at GMA executives para sa paglabas ng It's Showtime sa GTV ngayong July 1, 2023. Naroroon din ang mga hosts ng It's Showtime at nagbigay ng kanilang mga mensahe.

It's Showtime pumirma na ng kontrata sa GTV ngayong araw
It's Showtime pumirma na ng kontrata sa GTV ngayong araw (@itsshowtimena)
Source: Instagram

Sina Iya Villania at Robi Domingo ang nagsilbing hosts ng naturang event na ayon sa kanila ay isang magandang bagay dahil wala nang network wars.

Read also

Vice Ganda, walang sama ng loob sa TV-5: "Ang laki ng tinulong nila sa amin"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.

Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang saloobin tungkol sa nangyari sa It's Showtime sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel. Sa kanyang vlog ay kinuwento niya ang pangyayari nitong mga nakaraang araw nang malaman niya ang tungkol sa posibilidad na mawala na sila sa 12 noon timeslot ng TV5. Tahasan namang sinabi ni Vice Ganda na wala siyang sama ng loob sa TV5. Aminado siyang nalungkot siya sa naging desisyon ng TV5 pero aniya ay hindi pwedeng mawala ang pasasalamat niya at ng kanyang mga kasamahan sa TV5 sa itinulong nito sa kanila.

Read also

Toni Fowler, inalala ang pagiging back up dancer sa It's Showtime

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate