Herlene Budol, desididong pagbutihan ang performance: "Everyday is a learning process"

Herlene Budol, desididong pagbutihan ang performance: "Everyday is a learning process"

- Ayon kay Herlene Nicole Budol, naiyak siya nang makita ang headshot picture niya sa Miss Grand Philippines Facebook page

- Aniya, ay pagbubutihin niya at sisimulan niyang muli magpa-train sa speech coach niya

- Dagdag pa niya, hindi pa huli ang lahat para mas galingan niya ang kanyang susunod na mga performances sa Miss Grand Philippines pageant

- Pinasalamatan niya ang kanyang mga supporters na hindi pa rin bumibitaw sa pagsuporta sa kanya at maging ang kanyang manager na si Sir Wilbert Tolentino ay pinasalamatan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Herlene Nicole Budol ng kanyang saloobin kaugnay sa kanyang pagsali sa Miss Grand Philippines pageant. Aniya, ay pagbubutihin niya at sisimulan niyang muli magpa-train sa speech coach niya.

Herlene Budol, desididong pagbutihan ang performance: "Everyday is a learning process"
Herlene Budol, desididong pagbutihan ang performance: "Everyday is a learning process" (@herlene_budol)
Source: Instagram

Aniya, naiyak siya nang makita ang headshot picture niya sa Miss Grand Philippines Facebook page.

Read also

Herlene Budol, humingi ng dispensa sa mga nadismaya sa kanyang Q&A performance

Naiyak ako nung makita ko etong headshot pic sa Miss Grand Philippines. Pangako pagbubutihin ko at sisimulan ko uli mag pa train sa speech coach ko kay @geography101 / Ryan Soto. Walang susuko sa pamilyang eto. Never Give up! Gising Herlene!

Dagdag pa niya, hindi pa huli ang lahat para mas galingan niya ang kanyang susunod na mga performances sa Miss Grand Philippines pageant.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

its not too late! Everyday is a learning process. Thank you sa inyong lahat mga KaSquammy ko na andyan parin kayo para sa akin at yung taong nag tiwala at binigyan ako ng opportunity Sir Wilbert Tolentino / Wilbert Tolentino @sirwil75.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Read also

Dennis Padilla, pinadalhan umano ng pagkain ng kanyang mga anak noong Father's day

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate