Herlene Budol, humingi ng dispensa sa mga nadismaya sa kanyang Q&A performance

Herlene Budol, humingi ng dispensa sa mga nadismaya sa kanyang Q&A performance

- Humingi ng dispensa si Herlene Nicole Budol sa mga taong aniya ay nadismaya sa kanyang pagsagot sa Q&A sa Official Sashing ng Miss Grand Philippines 2023

- Hindi niya napigilang maiyak dahil aniya ay kahit siya ay nadismaya sa pagsagot niya at hindi na din daw niya natapos panuorin ang video

- Hiling ni Herlene, sana ay itama na lang daw siya at huwag siyang ibaba sa kanyang pagkakamali

- Aminado naman siyang iyon ang kahinaan niya pero nag-te-training naman daw siya sa pagsagot at maging sa kanyang pasarela

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naiyak si Herlene Nicole Budol sa kanyang live video sa Facebook para ihingi ng dispensa ang kanyang pagsagot kamakailan sa Q&A sa Official Sashing ng Miss Grand Philippines 2023. Hiling ni Herlene, sana ay itama na lang daw siya at huwag siyang ibaba sa kanyang pagkakamali.

Read also

Herlene Budol, desididong pagbutihan ang performance: "Everyday is a learning process"

Herlene Budol, humingi ng dispensa sa mga nadismaya sa kanyang Q&A performance
Herlene Budol, humingi ng dispensa sa mga nadismaya sa kanyang Q&A performance (@herlene_budol)
Source: Instagram

Aniya, maging siya ay hindi kinayang tapusin panuorin ang video ng kanyang pagsagot. Aniya, ginagawa naman niya ang best niya at baka ito na ang kanyang huling pageant. Seryoso naman daw siya at hindi niya nilalaro ang kanyang pagsagot.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, nagte-training naman siya ng pasarela at Q&A. Sineseryoso naman daw niya pero hindi niya maintindihan kung bakit siya pinagtatawanan.

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Read also

Maymay Entrata, mas focused daw muna sa kanyang pagkanta

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel