Jhong Hilario, binahagi ang nakakaaliw na Patience Challenge ni Sarina

Jhong Hilario, binahagi ang nakakaaliw na Patience Challenge ni Sarina

- Ibinahagi ni Jhong Hilario ang video nila ng anak niyang si Sarina Hilario

- Sinubukan ni Jhong ang haba ng pasensya ni Sarina sa ginawa nilang Patience Challenge

- Hindi man naging matagumpay sa kanyang patience challenge marami pa rin ang naaliw sa bibong-bibong si Sarina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang palaging naibabahagi ni Jhong ang video ng anak na kumakanta ng ilang awitin na sina-una kagaya ng Fly Me To The Moon

Ibinida ni Jhong Hilario ang nakakaaliw na video ng anak niyang si Sarina Hilario. Sinubukan ni Jhong na gawin kay Sarina ang Patience Challenge.

Jhong Hilario, binahagi ang nakakaaliw na Patience Challenge ni Sarina
Jhong Hilario, binahagi ang nakakaaliw na Patience Challenge ni Sarina (@sarinahilario)
Source: Instagram

Sa simula ng video a makikita si Jhong na naglalagay ng cookies sa bowl. Binilinan niya si Sarina na antayin siya at huwag munang kakainin ang cookies.

Read also

Gigi De Lana, may pakiusap: "Please be kind, ang dami na nang scam sa'kin"

Gayunpaman, hindi pa man nagtatagal si Jhong na umalis ay agad na kinain ni Sarina ang cookies. Natawa lang silang mag-asawa habang pinapanood si Sarina mula sa kanilang CCTV monitor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi man naging matagumpay sa kanyang patience challenge marami pa rin ang naaliw sa bibong-bibong si Sarina:

Sobrang nakakawala ng stress si Sari..more video please..ang daming babies at mga bata na nagpapa cute sa social media pero iba ang karisma at talino ni Sarina
Nakaka tanggal namn sa pagod ang tawa mo sarina.. ang cute nmn☺️.. tawang-tawa din ako nung kinuha na niya ang cookies kasi hi ng hi din sya sa camera.. at napaka honest niya nong tinanong sya kung kinuha niya ba yung cookies.. sumagot din sya ng yes daddy.
You’re such a good Daddy for Sarina!!Jhong❤️love the way you are raising you child. You & wifey do a very good job! These are Sarina’s young formative years - she grows up into a good person with values - secure with both your love & discipline- you’re so right Jhong, I agree with what you wrote: raising children today is different from way back our time.

Read also

Toni Fowler, binati ng Happy Father's Day si Tatay Elon: "Sent na yung sustento"

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate