Toni Fowler, binati ng Happy Father's Day si Tatay Elon: "Sent na yung sustento"

Toni Fowler, binati ng Happy Father's Day si Tatay Elon: "Sent na yung sustento"

- Binati ni Toni Fowler ang dati niyang karelasyon ng Happy Father's Day isang araw matapos ang paggunita ng Araw ng mga Ama

- Aniya, naipadala na rin at natanggap na niya ang sustento nito para sa anak nilang si Tyronia

- Matatandaang kahapon ay nagpost si Toni ng makahulugang mensahe tungkol sa pagpapadala ng sustento bago daw siya bumati

- Binati naman din ni Toni si Vince Flores kahapon dahil sa aniya'y paninidigan nito para sa kanilang mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Toni Fowler ng kanyang pagbati para sa ama ni Tyronia Fowler na si Tatay Elon. Aniya, natanggap na niya ang sustento nito para sa anak nilang si Tyronia

Toni Fowler, binati ng Happy Father's Day si Tatay Elon: "Sent na yung sustento"
Toni Fowler, binati ng Happy Father's Day si Tatay Elon: "Sent na yung sustento" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Kahapon lang ay may tila parinig si Toni na bago daw niya batiin ang di pinangalanang tao ng Happy Father's Day ay magpadala daw muna ito ng sustento.

Read also

Rendon Labador kay Toni Fowler: "Akala mo lang plastic ako kasi gawa ka sa plastic"

Ang partner niyang si Vince ang kanyang binati sa mismong araw ng pagdiriwang ng Father's Day dahil aniya ay pinanindigan ni Vince sila ng anak niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel