Pen Medina, kinabiliban sa husay nito sa pag-guhit ng mga portrait

Pen Medina, kinabiliban sa husay nito sa pag-guhit ng mga portrait

- Marami ang humanga kay Pen Medina sa husay nito sa pagguhit lalo na ng mga portrait

- Sa vlog ni Julius Babao ay pinakita niya ang ilan sa mga obra ng batikang aktor

- Bilib na bilib ang mag-asawang Julius at Tintin Babao sa husay ni Pen lalo na sa mga detalye ng kanyang mga ginuguhit

- Maging ang ilang mga gawa niya noong estudyante pa lamang siya ay naitago pa rin niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinabiliban ang husay ni Pen Medina sa pagguhit ng mga larawan. Sa vlog ni Julius Babao ay pinakita niya ang ilan sa mga obra ng batikang aktor.

Pen Medina, kinabiliban sa husay nito sa pag-guhit ng mga portrait
Pen Medina, kinabiliban sa husay nito sa pag-guhit ng mga portrait (Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

Bilib na bilib ang mag-asawang Julius at Tintin Babao sa husay ni Pen lalo na sa mga detalye ng kanyang mga ginuguhit.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

Read also

Pictures na magkasama sina Andrea at Ricci, nananatili sa kani-kanilang IG

Isa sa napaka husay na batikang artista Puno ng talent kahit di Alam ng lahat na napakahusay sobrang nakakahanga ka sir Pen Medina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Grabe galing niya mag drawing ✍️ he is my favorite magaling siyang actor kasing idad nya tatay ko
Wow..artist talaga sya galing mang Pen ..idol q sya tlga mula pa nuon galing umarte natural na natural..pati anak nya ina idol q din ...sana tuluyan pa syang lumakas..at humaba pa buhay nya sa kung saan nya gustuhin.

Si Crispin "Pen" Parungao Medina Sr. ay isang Filipino actor na unang nakilala sa husay niya sa pag-arte sa teatro. Hanggang sa mapasama na rin siya sa mga palabas sa telebisyon at pelikula.

Matatandaang pinakita ni Ping Medina ang kalagayan ng kanyang ama na si Pen Medina. Nag-post siya na kumatok sa mga mabubuting puso ang pamilya Medina para sa pagpapagamot ng ama nilang si Pen. Sinasabing mayroon itong Degenerative Disc Disease o (DDD) dahilan para siya ay mahirapang tumayo at umupo. Nakatakda na rin itong operahan sa kanyang spine sa Martes, Hulyo 19, 2022.

Read also

Marjorie Barretto, naibahagi ang unang pagkakakilala kay Gerald Anderson

Samantala binunyag ni Pen na si Coco Martin ang may pinakamatinding tulong na naibigay sa kanya sa pagpapa-opera ng spine. Matatandaang humingi ng tulong ang pamilya noon ni Pen na aminadong tinamaan din ng hagupit ng pagsubok ng pandemya. Bukod dito, kasama rin ngayon si Pen sa teleserye ni Coco na FPJ's Batang Quiapo. Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Pen kay Coco na patuloy na tumutulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel