Pictures na magkasama sina Andrea at Ricci, nananatili sa kani-kanilang IG

Pictures na magkasama sina Andrea at Ricci, nananatili sa kani-kanilang IG

- Napansin ni Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update na hindi pa rin umano binubura ni Andrea Brillantes ang mga larawang kasama si Ricci Rivero

- Maging si Ricci ay hindi pa rin umano nagbubura ng picture nila ni Andrea na magkasama

- Ito ay matapos na kumpirmahin ni Ricci na tapos na umano ang relasyon nila ni Andrea

- Sa ngayon, nananatili pa ring tahimik si Andrea sa kanila umanong hiwalayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa si Mama Loi ng Ogie Diaz Showbiz Update sa nakapansin na tila hindi pa rin nagbubura ng pictures nilang magkasama sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Pictures na magkasama nina Andrea at Ricci, nananatili sa kani-kanilang IG
Ricci Rivero and Andrea Brillantes (@ricciiirivero)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa inamin ni Ricci na tapos na umano ang relasyon nila ni Andrea kamakailan lamang.

Read also

Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"

Taliwas sa inaasahan ng marami na madalas ginagawa ng mga naghihiwalay na magkarelasyon kung saan binibura nila ang larawang magkasama sa kani-kanilang socmed account, nananatiling naka-post ang mga sweet photos nina Andrea at Ricci.

Dahil dito, nasabi ni Ogie Diaz, na maaring may pinagdaraanan lamang ang relasyon ng dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Lalo na at nananatiling tikom ang bibig ni Andrea sa kontrobersiya at tanging si Ricci pa lamang ang nagkumpirma sa naturang hiwalayan.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Cristy Fermin sa bagong Eat Bulaga: "Nabigo po kayo, bigong-bigo... Napakabigo!"

Matatandaang minsan nang naibahagi ni Ogie Diaz na si Andrea Brillantes ang napili para gumanap bilang bagong Dyesebel sa seryeng inasahan ng marami na mapapanood ngayong taon. Subalit hanggang ngayon ay wala pa muling balita kung ito ay matutuloy.

Nagkaroon na rin umano ng teaser para sa bagong serye na minsan na ring pinagbidahan ni Anne Curtis. Matatandaan ding kasama noon sa serye si Ogie Diaz.

Marami ang nagtatanong kung marunong daw bang lumangoy si Andrea. Nabanggit din ni Ogie na isa pala umanong diver ang ina nito kaya naman tila noon pa man ay handang-handa na sa role na Dyesebel ang aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel