Ogie Diaz, binati si Andrea Brillantes na gaganap na Dyesebel sa 2023

Ogie Diaz, binati si Andrea Brillantes na gaganap na Dyesebel sa 2023

- Binati na ni Ogie Diaz si Andrea Brillantes bilang bagong Dyesebel para sa isang teleserye sa 2023

- Sinasabing ito ang papalit umano sa Darna hindi naman tatagal ng isang taong sa ere

- Marami rin ang nagtatanong kung marunong bang maglangoy si Andrea bilang siya ay gaganap na isang serena

- Sinabi ni Ogie na isa pala umanong diver ang ina ni Andrea kaya naman tila nakapaghanda na ang aktres para sa kanyang mermaid role

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit na si Andrea Brillantes ang pinakabagong gaganap na Dyesebel para sa teleseryeng ipalalabas sa 2023.

Ogie Diaz, binati si Andrea Brillantes bilang bagong Dyesebel sa teleserye sa 2023
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ang ipapalit sa matatapos nang serye na Darna na pinagbibidahan naman ni Jane De Leon.

"Hindi naman aabutin ng one year ang Darna," ani Ogie.

Read also

Cristy, pansing di pa napapareha sa iba si Daniel Padilla; "dependent sa Kathniel"

Nagkaroon na rin umano ng teaser para sa bagong serye kung saan si Andrea naman ang bibida na minsan na ring ginampanan ni Anne Curtis. Matatandaan ding kasama noon sa serye sa Ogie Diaz.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami ang nagtatanong kung marunong daw bang maglangoy si Andrea. Nabanggit din ni Ogie na isa pala umanong diver ang ina nito kaya naman tila noon pa man ay handang-handa na sa role na Dyesebel ang aktres.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa isa sa mga episode ni Ogie D sa kanyang Showbiz Update channel, nakapanayam niya si Joshua Garcia na sinabing 'single' daw umano siya ngayon.

Read also

Andrew Schimmer, tila nagpahiwatig umano ng kasal sa misis; "very very soon"

Aniya, nakakaramdam siya ng inggit sa umano'y showbiz couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na pawang mga kasama niya sa Japan kamakailan.

Naging usap-usapan din ang pahayag ng aktor na si Christian Bables sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz. Nilinaw ni Christian na 'straight' siya taliwas sa pag-aakala ng iba na isa siyang beki dahil sa mga nagiging roles niya kamakailan sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel