Cristy, pansing di pa napapareha sa iba si Daniel Padilla; "dependent sa Kathniel"

Cristy, pansing di pa napapareha sa iba si Daniel Padilla; "dependent sa Kathniel"

- Napag-usapan nina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! si Daniel Padilla na hindi pa umano naipapareha sa iba

- Kapansin-pansin umano na tanging kay Kathryn Bernardo lamang ito naipareha sa tagal ng karera nito sa showbiz

- Sinasabi tuloy ng ilan na tila nakadepende lamang umano si Daniel sa "Kathniel"

- Kaya naman hiling nina Cristy na sana'y mapatunayan naman umano ni Daniel na kaya nitong pausbungin ang career kahit hindi si Kathryn ang kapareha nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Rommel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay si Daniel Padilla na tanging si Kathryn Bernardo pa lamang ang nakakapareha.

Cristy, pansing di pa napapareha sa iba si Daniel Padilla; "dependent sa Kathniel"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na marami na umano ang nakakapansin na tila hindi pa naiaalis si Daniel sa love team nila ng real-life partner nitong si Kathryn Bernardo.

Read also

Billy Crawford, nakausap na ang kanyang 'Kuys' Vhong Navarro

Matatandaang si Kathryn naman ay minsan nang naipareha kay Alden Richards sa pelikulang 'Hello, Love, goodbye" na talaga namang pumatok sa takilya.

Sinasabi pa umano na tila threatened si Daniel sa tambalan na ito nina Kathryn at Alden dahilan para lumipad ito noon sa Hong Kong kung saan kinunan ang pelikula.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kaya pala, habang ginagawa ang pelikula nina Alden at Kathryn, ang 'Hello Love Goodbye'.Dumalaw doon si Daniel. Ang kwento ng mga nakasaksi, binati ni Daniel ang mga naroong artista pwera kay Alden Richards," ani Cristy.

"Lumabas ang kwento na 'yon. Kaya ang sabi, nagseselos si Daniel kay Alden," dagdag pa nito.

Mayroon pa sana umanong part 2 ang naturang pelikula na hindi na umano natuloy dahil sinasabing kumontra na umano si Daniel para gawin pa ito ni Kathryn.

Read also

Cristy Fermin sa Donbelle na ikinukumpara sa Kathniel: "Malayo pa po, wag nating madaliin"

Taliwas sa mga nagawa na ibang aktor tulad ni John Lloyd Cruz na makailang beses nang naipareha sa ibang leading lady, hindi pa umano ito nagagawa ni Daniel.

"Kasi kapag Kathniel, sigurado na 'yan... Alam mo, sana isang araw patunayan ni Daniel na kahit hindi si Kathryn ang kanyang kapareha sa harap at likod ng camera, kaya pa rin niya," hiling ni Cristy.

"Maaring masama ang loob ni Daniel sa mga komentong ito. Pero hangga't wala siyang ginagawang aksyon na gagamutin niya 'yung sinasabi ng marami na dependent siya kay Kathryn Bernardo, hindi matatapos ang sama ng loob niya," pahayag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Cristy Fermin, naalarma sa mga nasabi ng bashers ni Kris Aquino; "Karma o kulam"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel