Cristy Fermin sa Donbelle na ikinukumpara sa Kathniel: "Malayo pa po, wag nating madaliin"

Cristy Fermin sa Donbelle na ikinukumpara sa Kathniel: "Malayo pa po, wag nating madaliin"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin sa mga umalmang fans ng Kathniel na tumatapat na umano sa kanilang mga idolo ang Donbelle

- Ito ay matapos na maging matagumpay ang pelikulang 'Inconvenient Love' nina Donny Pangilinan at Belle Mariano

- Mapapansing tanging ang Kathniel ang nanatiling matatag ang samahan habang nabuwag naman na ang ibang love team tulad ng Jadine at Lizquen

- Gayunpaman, marami pa rin ang natuwa sa tagumpay ng pelikula ng Donbelle kasunod ng hit series nila na 'He's into her'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay nina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na ay ang pag-alma ng mga Kathniel fans sa komentong tila katapat na ng kanilang mga idolo ang tambalang 'Donbelle' nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Cristy Fermin sa Donbelle na ikinukumpara sa Kathniel: "Malayo pa po, wag nating madaliin"
Belle Mariano and Donny Pangilinan (@donny)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na maging matagumpay ng pelikulang 'Inconvenient Love' na ipinalabas nitong Nobyembre.

Maging si Cristy ay nagsabing sa kabila ng tagumpay na ito ng Donbelle, masasabing malayo-layo pa rin ito sa kinalalagyan ngayon ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Maligaya tayo para kay Donny Pangilinan at Belle Mariano. Kasi matagal-tagal na rin po na walang nakakadikit. Nawala na ang Jadine, nawala na ang LizQuen. So wala pong kadikit ngayon ang Kathniel," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero kalabisan po na sabihing ang kalaban ngayon ng Kathniel ay Donbelle. Ang sigaw ng KathNiel, tiis-tiis pa more!" dagdag pa niya.

Hindi pa rin umano sapat na maging resibo ang isang pelikula na patok sa takilya kumpara sa ilang pelikula ng Kathniel na labis na sinuportahan ng publiko.

"Malayo pa po, wag nating madaliin sabi nga ni Romel. Oo matagumpay po ang Donbelle. tama kumita po ang kanilang pelikula Pero hindi po 'yun sapat na batayan para sa sabihin na ang katapatan po nila ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Malayo pa po ang kanilang lalakarin," paliwanag ni Cristy.

"Masaya po kami sa kanilang tagumpay pero hindi po kami papayag na katapat na po nila ang Kathniel ngayon"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel na Shoebiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa parehong episode ng Showbiz Now Na! tinalakay din nina Cristy, Romel at Wendell ang komento ng netizens sa kalagayan ni Kris Aquino na tila umanong isang karma o kulam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel