Cristy, ihinalintulad si Vhong kay Robin Padilla: "Yung pag-asa 'wag nating ipanakaw"

Cristy, ihinalintulad si Vhong kay Robin Padilla: "Yung pag-asa 'wag nating ipanakaw"

- Naihalintulad ni Cristy Fermin si Vhong Navarro kay Robin Padilla

- Matatandaang napiit din si Robin sa kasong illegal possesion of firearms ngunit itong nakalaya at nagkaroon ng pagkakataong mamuhay muli sa labas ng selda

- Umaasa ang marami na tulad ni Robin, makalabas din si Vhong sa tamang panahon

- Minsan nang hiniling nina Cristy na maayos sana ang takbo ng proseso ng kasong ito ni Vhong Navarro

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nailarawan ni Cristy Fermin ang lagay ni Vhong Navarro na tulad ng sinapit ni Senator Robin Padilla.

Cristy, ihinalintulad si Vhong kay Robin Padilla; "'Yung pag-asa 'wag nating ipanakaw"
Senator Robin Padilla (@robinhoodpadilla)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tulad ng sinapit ni Robin, makalalaya rin si Vhong Navarro ayon kay Cristy.

Matatandaang siya ang showbiz reporter na nakasaksi ng mga kaganapan ni Robin sa piitian.

"Nananalamin nga si Robin Padilla sa kinaroroonang sitwasyon ngayon ni Vhong Navarro."

Read also

AJ at Aljur dedma sa tsimis ng panganganak; Kylie, naghahanap ng abogado ayon kay Cristy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pero napakabait ng kapalaran at panahon kay senador. Sasabihin 'ay ex-convict 'yan'. Di ba 'pag tayo ay dating nakapiit ang tingin sa'tin ng publiko ay napakaliit. Parang bawas 'yung ating imahe. Pero dalawang kamay na tinanggap pa rin si Robin Padilla at naging number 1 senator pa," ani Cristy.

Sa nangyaring ito kay Senator Robin, inspirasyon at pag-asa ang hatid nito kay Vhong.

"Kaya itong kay Vhong Navarro, 'wag po nating ihinto sa ngayon lang. Maaring ang nangyari po kay Senator Robin Padilla ay pwede ring mangyari kay Vhong Navarro sa tamang panahon 'yan"

'Wag bibitiw. 'Yung pag-asa 'wag nating ipanakaw. Hindi ngayo't nangyari 'yan sa'yo ay katapusan na ng mundo para sa'yo," payo pa ni Cristy kay Vhong.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

Cristy, nagbabala umano kay Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap; "Papatulan ka niya"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naunang ulat ng KAMI, matatandaang maging si Cristy ay tila nadudurog ang puso na makita si Vhong na nasa ganoong estado na animo'y isang kriminal lalo na nang makitang naposasan ito sa paglipat patungong Taguig City jail. Ani Cristy, maituturing daw talaga ito na pinakamalaking pagsubok sa buhay ni Vhong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel