Cristy Fermin, naalarma sa mga nasabi ng bashers ni Kris Aquino; "Karma o kulam"

Cristy Fermin, naalarma sa mga nasabi ng bashers ni Kris Aquino; "Karma o kulam"

- Nabahala si Cristy Fermin sa mga nabanggit ng bashers ni Kris Aquino tungkol sa hindi malamang sakit nito

- Ayon kay Cristy, marami-rami ang nagsasabi kay Kris na kung hindi karma at kulam umano ana nangyayari sa kanya

- Lalo na ngayon na tila hindi matukoy ang mismong sakit ni Kris na nadadagdagan at hangganga ngayon ay nasa proseso ng pagpapagamot

- Gayunpaman, patuloy parin dapat umano ang panalangin para sa tuluyan na paggaling ni Kris Aquino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila nabahala di umano si Cristy Fermin sa mga nasabi ng bashers ni Kris Aquino tungkol sa kalagayan nito.

Cristy Fermin, naalarma sa mga nasabi ng bashers ni Kris Aquino; "Karma o kulam"
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may mga nakapagsasabi na maaring 'kulam o karma' ang nangyayari na ito kay Kris.

"Matagal na po ang kwentong ito na may nagpatrabaho daw po sa kanya, meh kumulam daw. Sabi ay may nagpakulam daw sa kanya."

Read also

Erik Santos, napahagulhol matapos mag-alay ng huling awit para sa pumanaw na ina

"Kaya raw tumatagal ito at hindi ma-trace trace ang pinagmulan ng kanyang immuno-disease kasi daw, kinontra."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Romel Chika, may kasabihan na kung ang tao ay nakulam, mas lalo umano itong magkakasakit kung ipinatingin sa doktor.

"Tingnan niyo po talaga yung mga komento ng bashers, karma 'to o kulam. Hindi po para sa atin ang magdesisyon o pumili nan manghusga. Pero hinusgahan na siya ng ating mga kababayan. Kumbaga hindi mo na kailangan ng korte dito. Husgado na po ng bayan ang nagsabi na kung hindi po ito karma ay kulam," ani Cristy.

Gayunpaman, pinaalala ni Cristy na ang patuloy pa rin na pagdarasal para patuloy na pagpapagaling kay Kris Aquino.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Read also

AJ at Aljur dedma sa tsimis ng panganganak; Kylie, naghahanap ng abogado ayon kay Cristy

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa naunang episode ng Showbiz Now Na! naibahagi ni Cristy ang tungkol sa post ni Kris bilang pagbati sa kanyang ama. Napansin umano ni Cristy at maging ng mga nakabasa na tila may segue ito sa nais talaga niyang ipakahulugan. Ito ay may kaugnayan sa pelikula ni Darryl Yap ang 'Martyr o murderer."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel