Cristy Fermin sa bagong Eat Bulaga: "Nabigo po kayo, bigong-bigo... Napakabigo!"

Cristy Fermin sa bagong Eat Bulaga: "Nabigo po kayo, bigong-bigo... Napakabigo!"

- Nagbigay komento si Cristy Fermin sa umano'y bagong 'Eat Bulaga'

- Matatandaang nang mapanood muli ito ng nang live noong Hunyo 5, kabi-kabilang batikos na ang natanggap nito

- Unang pinuna ng netizens ang mga pinalit na hosts na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar

- Hunyo 7 nang ianunsyo naman ng TVJ na ang bago nilang tahanan ay ang TV5

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa mga bagong hosts ng Eat Bulaga.

Cristy Fermin sa bagong Eat Bulaga: "Nabigo po kayo, bigong-bigo... Napakabigo!"
New Eat Bulaga hosts (Sparkle GMA Artist Center)
Source: Facebook

Matatandaang sa kanilang pagbabalik na live noong Hunyo 5, kabi-kabilang batikos ang kanilang natamo matapos palitan ang mga namaalam sa TAPE Inc. na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Read also

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

"Nakakaawa, nakakaawa po kayo. Hindi po talaga kayo pupwedeng ikumpara sa TVJ at sa mga Dabarkads. Kung sino man po, ang nagsabi sa inyo at nagbigay ng opinyon na kaya niyo ang TVJ at ang Dabarkads, niloloko po kayo 'nun."

Dahil sa nangyaring ito, masasabi umano ni Cristy na hindi natupad ang nasabi ng TAPE Inc. ang isa sa nakasaad sa kanilang opisyal na pahayag na higit pa umano sa isang libo't isang tuwa ang maihahatid nila sa publiko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"At kung ang hiling nila ay higit na tuwa at saya, nabigo po kayo. Bigong-bigo... Napakabigo," matapang na naihayag ni Cristy.

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel