Joey De Leon, nagbigay ng ilang detalye ukol sa bagong programa nila sa TV5

Joey De Leon, nagbigay ng ilang detalye ukol sa bagong programa nila sa TV5

- Nagbigay detalye si Joey De Leon sa kung ano ang maaring abangan ng publiko sa magiging bagong programa nila sa TV 5

- Marami na umano ang nakaabang sa programa nilang inaasahang mapapanood sa unang linggo ng Hulyo

- Isa rin sa pinakaabangan ng lahat ay ang magiging pangalan ng kanilang show lalo na at 'Eat Bulaga' pa rin ang nasa GMA 7

- Hunyo 7 nang kumpirmahin nila ang paglipat sa TV5 kasama ng iba pang mga orihinal na Dabarkads

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay ng ilang detalye si Joey De Leon patungkol sa maaring mapanood ng publiko sa niluluto nilang bagong programa sa TV5.

Nalaman ng KAMI na tila may ilang segments silang mula rin sa Eat Bulaga subalit may kaunting twist.

Read also

Joey De Leon, siya umanong nag-push sa TVJ na piliin ang TV5 bilang bagong tahanan

"Well, 'yung mga paborito niyo, Judgmental, Pinoy Henyo... 'Yung Pinoy Henyo, meron akong sinadjest e. 'Yung Pinoy Henyo ang magiging title na, ito na intro niyan, Ladies and gentlemen, narito na ang inyong paborito, sinong manok niyo? in other words, sinong Hen niyo?"

Matatandaang isa ang Pinoy Henyo sa mga pumatok na segment ng programa na madalas na ring gawin o laruin ng mga Pilipino sa iba't ibang mga pagtitipon.

Samantala, ang malaking katanungan din ngayon ng publiko ay kung ano ang magiging pangalan ng programa nila sa TV5 gayung ginagamit pa rin ng TAPE Inc. sa GMA 7 ang Eat Bulaga kasama ang kanilang mga bagong hostna kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, magkapatid na Cassy at Mavy Legazpi at iba pang mga Sparkle Artist ng GMA.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Joey mula sa News5 Everywhere:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Joey de Leon, naluha habang nagdi-detalye ng ilang ganap nang lisanin ang TAPE

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Una itong sumaere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica