Tito Sotto, idinetalye ang mga naganap sa Eat Bulaga noong May 31

Tito Sotto, idinetalye ang mga naganap sa Eat Bulaga noong May 31

- Ibinahagi ni Tito Sotto ang mga kaganapan noong araw na namaalam na sila sa TAPE Inc.

- Kinumpirma rin niya ang tungkol sa courtesy letter na ginawa ng mga Dabarkads matapos silang magdesisyon

- Labis nilang pinahahalagahan ang mga nababasang komento mula sa netizens na patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa TVJ

- Ang 'Eat Bulaga' ang tinguriang longest running noontime show hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naidetalye ni dating Senator Tito Sotto ang tungkol sa mga kaganapan mismo nang mamaalam na sila nang tuluyan sa TAPE In. noong Mayo 31, 2023.

Tito Sotto, idinetalye ang mga naganap sa Eat Bulaga noong May 31
Tito, Vic at Joey (Eat Bulaga)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ekslusibong naihayag ito ni 'Tito Sen' sa panayam sa kanya nina Tintin at Julius Babao ng News5.

"We were hugging each other, we tried to talk about it. Nagkikwentuhan lang."

Read also

Tito Sotto sa mga ad agency matapos mamaalam sa TAPE: "marami raw nag-pullout"

"Si Allan umalis agad per nung nalaman niya na... (detalyado itong kinukwento ko sa inyo so exclusive 'yan) nung nalaman na nagpipirmahan sina Maine nung ginawang sulat, bumalik. Bumalik si Allan [para] pumirma rin"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aminado siyang naging labis na emosyonal na ang bawat isa, lalo na nang mabasa umano nila ang mga komento ng pagsuporta ng kanila ng fans at 'Dabarkads' na nagsasabing patuloy ang pagmamahal at pagsuporta sa kanila.

"Isa ho sa nangyari dun ay medyo nagkaiyakan. Kaninang umaga hanggang kagabi, pagka-nag-uusap kami at nababasa yung mga sinusulat ng ating mga kababayan, talagang naaantig 'yung damdamin namin, natutuwa kami."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa News5 Everywhere YouTube channel:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Read also

Tito Sotto, sa reaksyon umano ni Joey De Leon: "Mga apat na beses na umiiyak"

Kamakailan, inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show pati na rin ang hindi agad pagpapasahod kahit sa mga original host nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Subalit ilang linggo ang lumipas, nabanggit ni Vic na nabayaran na umano siya ng nasa Php40 million niyang talent fee na dapat ay noon pang nakaraang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: