Script nina Tito, Vic at Joey sa pamamaalam sa TAPE, ibinahagi ng Eat Bulaga

Script nina Tito, Vic at Joey sa pamamaalam sa TAPE, ibinahagi ng Eat Bulaga

- Ibinahagi ng 'Eat Bulaga' ang script ng closing spiel nina Tito, Vic at Joey sa pamamaalam nito sa TAPE Inc.

- Gumulantang sa publiko ang pagkawala ng programa sa Free TV kaya naman napanood na lamang sila sa kanilang YouTube channel

- Pinasalamatan nila ang mga networks na naging tahanan nila sa loob ng 44 na taon

- Gayundin kay Tony Tuviera na hindi lang naging producer ng kanilang programa kundi naging mabuting kaibigan ng TVJ

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos ang emosyonal na pamamaalam nina dating Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Ibinahagi rin ng Eat Bulaga ang naging closing spiel ng tatlo gumulantang sa publiko ngayong Mayo 31.

Closing spiel nina Tito, Vic at Joey sa pamamaalam sa TAPE, ibinahagi ng Eat Bulaga
Tito, Vic and Joey (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kumpleto ang kasalukuyang Eat Bulaga Dabarkads na nakasuot ng itim at puti at sama-sama pa rin sa entablado para ipaalam sa publiko ang mga kaganapan sa kanila at sa TAPE Inc.

Read also

TVJ, nagpaalam na sa TAPE Inc. sa pamamagitan ng Eat Bulaga YouTube channel

Punong-puno ng emosyon ang bawat salitang nasabi ng 'TVJ' na 44 taong nagbigay ng isang libo't isang tuwa sa buong bansa.

Narito ang nilalaman ng kanilang pamamaalam mula sa Intagram post mismo ng Eat Bulaga:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Kamakailan, inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show pati na rin ang hindi agad pagpapasahod kahit sa mga original host nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Read also

Joshua Garcia, nagpakilig sa Eat Bulaga Dabarkads; ginawa muli ang kanyang viral TikTok steps

Subalit ilang linggo ang lumipas, nabanggit ni Vic na nabayaran na umano siya ng nasa Php40 million niyang talent fee na dapat ay noon pang nakaraang taon.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demandahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE.

Minsan din umanong nabanggit ni Cristy sa isa sa mga episode niya ng Showbiz Now Na! na kabilang umano sina Jose Manalo at Wally Bayola sa mga delayed umanong napapasahod ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica