Vic Sotto, wala pa umanong planong mag-retire: "Malayo pa sa isip ko"

Vic Sotto, wala pa umanong planong mag-retire: "Malayo pa sa isip ko"

- Wala pa raw umano sa isip ni Vic Sotto ang salitang retirement o pagreretiro

- Isa umano ito sa natanong sa kanya sa press conference ng isang produkto na kanyang iniendorso

- Nagbiro pa itong 80 na ang bagong retirement age at hindi na umano 60

- Matatandaang naging kontrobersyal si Vic Sotto dahil sa naisiwalat ni Senator Tito Sotto na delayed na sahod mula sa 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Wala pa raw balak umanong mag-retire si Vic Sotto sa kabila ng kanyang edad na 69.

Vic Sotto, wala pa umanong planong mag-retire: "Malayo pa sa isip ko"
Vic Sotto (@vicsottoofficial)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa natanong sa kanya sa press conference ng iniendorso niyang produkto.

Nagawa pang magbiro ni Vic at sinabing 80 na ang bagong retirement age.

"Ang senior ngayon 80 na ha hindi 60. Sabi mo nga, marami akong nagawa, marami akong natulungan... ang sagot ko lang dun, marami pa. Marami pa akong magagawa, marami pa akong matutulungan, marami pa akong mae-entertain. Retirement is... malayo, malayo sa isip ko," ani Vic.

Read also

Cristy kay Matteo: "Hindi siya ang klase ng asawa na paiikutin ang ulo ng kanyang misis"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang gumawa ng ingay kamakailan ang pangalan ni Vic dahil sa umano'y naisiwalat ng kanyang kapatid at kasama sa "Eat Bulaga" na si dating Senator Tito Sotto.

Nasa Php40 million umano ang sahod na hindi naibigay agad kay Vic ngunit kamakailan lamang ay kinumpirma naman nito na nabayaran na siya.

Samantala, narito ang pahayag ni Vic Sotto mula sa YouTube channel na Rawr Nation:

Si Vic Sotto ay isang komedyante at TV host ng longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo, ang Eat Bulaga.

Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Read also

Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"

Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: