Cristy sa posibleng demandahan sa Eat Bulaga: "Mas gusto nilang ito ang kauwian ng lahat"

Cristy sa posibleng demandahan sa Eat Bulaga: "Mas gusto nilang ito ang kauwian ng lahat"

- Muling nagbigay ng saloobin si Cristy Fermin patungkol sa mainit na isyu na bumabalot sa 'Eat Bulaga'

- Aniya, handa umano sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sakaling mauwi sa demandahan ang sitwasyon

- Ito ay matapos na pabulaanan umano ni dating senador Tito Sotto ang mga nasabi ni Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc.

- Kabi-kabila ang pagpapaunlak ng interview ni Senator Tito subalit hindi na muli pang naglabas ng pahayag ang kampo ng mga Jalosjos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling natalakay sa Showbiz Now Na! ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng programang "Eat Bulaga" at ng TAPE Inc.

Cristy sa posibleng demandahan sa Eat Bulaga: "Mas gusto nilang ito ang kauwian ng lahat"
Senator Tito Sotto, Joey De Leon at Vic Sotto (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nabanggit ni Cristy Fermin ang posibilidad na magkademandahan umano ang magkabilang kampo na inaasahan na raw nina Tito, Vic and Joey na pawang mga orihinal na host at sinasabing haligi ng longest-running noontime show.

Read also

Ogie Diaz, 'di raw magawang magalit kay Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin

"Pero kung tatanungin natin ang kampo ng Tito, Vic and Joey, mas gusto nilang ito ang kauwian ng lahat. Alam ko oo. Sabi nga natin, 'pag kumpleto ka sa resibo, ano dapat ang ikatatakot mo?Kapag hawak mo ang katotohanan, ano ang dapat mong ikapangamba?" ani Cristy.

"Nagkaroon kasi ng kwestyon sa tiwala. Kapag pumasok na kasi ang pangunguwestyon sa tiwala lalo na tuingkol sa pananalapi, talagang sa ganito mauuwi," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.

"Pero alam mo nakakatakot kapag nagkademandahan ito. Hindi lang mauuwi ang asunto o ang pagpapalitan nila ng mga diskusyon sa mga pinag-uusapan sa Eat Bulaga. Maraming mahahalukay na kwento at pangyayari tungkol dito."

Read also

Cristy Fermin sa matatapatang show ng Eat Bulaga: "Iuurong daw po pagabi"

"Mauuwi po ito sa personalan. At kapag personalan na ang nakataya, mas marami po tayong maririnig, mas marami po tayong malalaman, lalo pa at hindi naman ganoon katahimik ang buhay ng mga magsasalpukan sa laban"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.

Sa isang episode naman ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Ogie ang mga posibilidad sakaling madala o hindi madala ng TVJ ang pangalan ng kanilang show.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel