Cristy Fermin sa matatapatang show ng Eat Bulaga: "Iuurong daw po pagabi"

Cristy Fermin sa matatapatang show ng Eat Bulaga: "Iuurong daw po pagabi"

- Isang source umano ni Cristy Fermin ang nagsabing posibleng maiurong pagabi ang isang show na matatapatan ng Eat Bulaga

- Ito ay matapos na mapabalitang dalawang network ang nagsanib pwersa para kunin umano ang Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga

- Ilang buwan nang napapabalita ang umano'y rebranding ng longest running noontime show sa buong mundo

- Hanggang sa naglabas na ng pahayag si Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc., at si former Senator Tito Sotto ng Eat Bulaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Cristy Fermin ang umano'y nabalitaan niya sa kanyang source patungkol sa suusnod na hakbang ng Tito Vic and Joey ng Eat Bulaga.

Cristy Fermin sa matatapatang show ng Eat Bulaga: "Iuurong daw po pagabi"
Tito, Vic and Joey (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa namumuong tensyon sa pagitan ng TAPE Inc., at ang tumatayong haligi ng Eat Bulaga na sina dating senador Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon.

Read also

Ogie Diaz, sa desisyon TAPE Inc.: "Sa henerasyon ngayon, dapat talaga marami kang bago"

Sa ngayo'y usapin pa rin kung tuloy pa ang pananatili ng trio sa programa matapos ang paglalabas ng pahayag ng Chief Finance officer ng TAPE na si Mayor Bullet Jalosjos at si Tito Sotto ng Eat Bulaga na tila magkasalungat ang ilang mga nasabi.

Kaya naman, hindi kataka-takang may kumakausap na sa Tito, Vic and Joey at binabalak umanong kunin maging ang longest running noontime show sa buong mundo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Putok na putok na po ang kwento na mayroong dalawang malalaking network na magsasanib pwersa para kunin ang Tito, Vic and Joey at magbuo ng isang programang, Eat Bulaga"
"Ang kwento ng aking source, hindi ko lang alam kung 'yun pa rin ang existing ngayon ah. Ang kwento ng aking source, kung papasok ang Tito, Vic and Joey dito sa magkakasanib pwersang istasyon, may masasagasaan."

Read also

Ogie Diaz, sa umano'y posibleng mangyari sa Eat Bulaga: "Otherwise, court battle ito"

"Ang plano yata ng mga network na magha-handle sa kanila, kung matutuloy po ito ha, andun po yung aming pasubali na kung magkakasarahan ang kanilang usapan, sila Tito, Vic and Joey ang sa gitna siyempre. 'yun daw pong dadatnan na programa, iuurong daw po pagabi"

Dahil sa mga posibleng mangyaring ito, malaki rin ang posibilidad na may umalma o sumama ang loob.

"Syempre masakit yun. Parang ikaw ang na-itsepwera, ikaw ang iniurong para ma-accommodate ang Tito, vic and Joey."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulag.

Read also

Ogie D, sinabing umaasa ang Tropang LOL na lilipat sa NET25 ayon sa source

Sa isang episode naman ng Ogie Diaz Showbiz Update, nabanggit ni Ogie ang mga posibilidad sakaling madala o hindi madala ng TVJ ang pangalang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel