Tito Sotto, ayaw umanong magpa-interview kay Boy Abunda ayon sa source ni Ogie Diaz
- Tinanggihan umano ni Tito Sotto si Boy Abunda na mag-interview sa kanya
- Matatandaang kay Boy Abunda nagpa-interview ang chief finance officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos
- Ayon sa source ni Ogie Diaz, tila pabor umano ang mga tanong ni Boy Bunda kay Mayor Bullet
- Matapos ang panayam ni Boy Abunda kay Mayor Bullet, kabi-kabilang interview din ang pinaunlakan ni former senator Tito Sotto
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Hindi raw talaga nagpaunlak ng interview si dating senador Tito Sotto sa king of talk na si Boy Abunda.
Nalaman ng KAMI isang source ang nagsabi kay Ogie na pinili na lang ni Senator Tito na sa iba magpa-interview at hindi na kay Boy Abunda na una nang nakapanayam si Mayor Bullet Jalosjos, ang chief finance officer ng TAPE Inc.
"Choice daw ni tito sen na 'wag magpa-interview kay Kuya boy"
"'Yun lang ang nakarating sa atin. Na feeling daw ng kampo ng TVJ, parang masyadong pabor ang mga tanong ni Kuya Boy kay Bullet. Parang before handa daw parang nag-usap si Bullet at si Kuya Boy"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Knowing Tito Boy, kukunin pa rin niya yung panig ng kabila, 'pag ayaw wala rin naman siyang magagawa."
Ayon naman kay Ogie Diaz, normal lang sa isang panayam na kilalalin at alamin ng host ang tungkol sa kanyang kakapanayamin upang maging maayos ang lahat bago ang aktwal na interview.
"Normal lang ho 'yun sa nag-iinterview na bago sumalang on cam ay kakausapin ka muna off cam. Normal po 'yun."
At matapos nga ang naging interview ni Boy Abunda kay Mayor Bullet, kabi-kabilang interview naman ang pinaunlakan ni Senator Tito tulad na lang kay Mj Marfori ng News5 at Cristy Fermin.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel niya na Showbiz Update:
Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Inulan ng espekulasyon ang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulag.
Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.
Matapos ito, sunod-sunod na interviews din ang pinaunlakan ni Senator Tito Sotto upang ibahagi naman ang panig nila bilang host ng nasabing programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh