Mayor Bullet Jalosjos ng TAPE Inc., binigyang linaw ang umano'y pagbabago sa Eat Bulaga
- Nagpaunlak ng panayam ang Chief Finance Officer TAPE INC.at mayor of Dapitan City, Mayor Bullet Jalosjos kay Boy Abunda
- Ito ay upang mabigyang linaw na ang mga espekulasyon sa pagbabagong magaganap sa programa
- Isa sa kinumpirma niya ay ang pananatili ng Tito, Vic and Joey na siyang orihinal na mga host nang magsimula ang programa noon pang 1979
- Ayon pa kay Mayor Bullet, hindi rebranding kundi "rebonding" ang gagawin nila sa Eat Bulaga
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakapanayam ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk sa GMA ang Chief Finance Officer ng TAPE INC. at alaklde ng Dapitan City, Mayor Bullet Jalosjos.
Nalaman ng KAMI na ito ay upang magbigay linaw sa mga pagbabagong mangyayari na inaasahan sa Eat Bulaga.
Una na rito ay ang pag-aakala ng marami na bago at ngayon pa lamang papasok ang mga ehekutibo ng naturang show na matagal na umanong pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos.
"Matagal na rin naming gustong i-clear out. Ang totoo niyan, wala naman pong takeover. People have been retiring. Si Tony Tuviera starting March. And Tita Malou Fagar also, so it's just right na pumasok na rin po and maging active 'yung board of directors," panimula ni Mayor Jalosjos.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Isa rin sa kanyang nilinaw na, bago pa man magpandemya, humihiling na si Tony Tuviera na magretiro.
Si Tony Tuviera ang dating co-owner ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. at nasa likod ng tagumpay ng Eat Bulaga mula pa nang magsimula ito noong 1979. Si Mayor Jalosjos na rin mismo ang nagkumpirmang nagretiro na ito nito lamang Marso ng taong kasalukuyan.
Samantala, sa pagpapatuloy ni Mayor Bullet, hindi umano rebranding ang mangyayari sa programa kundi rebonding.
"But ang joke nga ni Joey mismo, it's not a rebranding, it's rebonding. Rebonding ng kompanya, rebonding ng mga kapamilya, I mean ng pamilya sa Eat Bulaga. rebonding ng executives. Rebonding din ng GMA."
Nais umanong maging involved na mismo ng mga Jalosjos sa show na noon pa man ay ang ama nilang si Romeo Jalosjos ang nag-aapruba ng mga nagaganap tulad ng segments sa longest running noontime show.
Isa rin sa kanyang nabanggit ay ang pananatili pa rin umano ng noontime show sa GMA 7 gayung may ang kontrata nila sa nasabing network ay hanggang 2025 pa.
"What we are doing right now is trying to get involved, immerse ourselves sa show. We haven't been visible, we haven't been felt, and ngayon, we need all the help we can get," giit pa niya.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Mayor Bullet Jalosjos sa Fast Talk with Boy Abunda:
Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas na unang suma-ere noong 1979.
Kabi-kabilang balita ang lumalabas at nagsasabing mawawala na umano ang 'Tito, Vic and Joey' na siyang mga original hosts ng programa 44 taon ang nakalilipas.
Maging si Ogie Diaz ay nagpaliwanag ng kanya umanong nasagap sa mainit na showbiz issue na ito. Isa na rito ang paglisan ni Maine Mendoza na siya namang pagbabalik ni Alden Richards na nawala ng halos mahigit isang taon.
Kaya naman sa pagbabalik ni Alden noong Marso 11 sa Eat Bulaga, marami ang nagsasabing maaring ito na ang hudyat ng inaasahang pagbabago.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh