Ogie Diaz, sa umano'y posibleng mangyari sa Eat Bulaga: "Otherwise, court battle ito"
- Ipinaliwanag ni Ogie Diaz ang posibleng mangyari sa Eat Bulaga sa gitna ng konakaharap ng kontrobersiya nito ngayon
- Aniya, hindi basta makakapanatili ang nasabing programa sa GMA gayung ang TAPE Inc. ang nakapirma sa kontrata bilang block timer
- Sakaling aalis o aalisin sina Tito, Vic at Joey, maaring magpalit ng bagong programa ang TAPE sa nasabing time slot
- Ang malaking tanong na lamang ngayon ay kung sino ang gagamit ng 'Eat Bulaga' na sinasabing ang pangalang ito ng programa ay ideya ni Joey De Leon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ipinaliwanag ni Ogie Diaz ang kanyang nalalaman sa kung ano ang posibleng mangyari sa Eat Bulaga sa gitna ng kabi-kabilang isyu na kinakaharap nito.
Nalaman ng KAMI na nagiging mainit na usapin din kasi ang maaring mangyari sakaling umalis o alisin ang TVJ o sina Tito, Vic and Joey sa umano'y programa nila sa loob ng halos 44 na taon.
"Alam mo ang nakapirma sa kontrata bilang blocktimer sa GMA 7 ay ang TAPE Inc. Sa pagkakaalm ko, ito 'yung mga Jalosjos. Kung saan si Mr. T o si Mr. Tony Tuviera ay nag-resigna na. Ganun din si Tita Malou Choa- Fagar na pinag-retire na rin. Sila ang nakakuha ng blocktime ng Eat Bulaga."
"So kung alisin man nina Tito Sen ang Eat Bulaga, 'yung title ng Eat Bulaga maaring mag-produce ng bagong show ang TAPE Inc. At yung Eat Bulaga mismo, dadalhin naman sa NET 25."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa usaping pagdadala naman ng pangalang Eat Bulaga, tila iba at mahabang usapin ito na maari raw umanong humantong pa sa korte.
"Kung mapapatunayan na si Joey De Leon o TVJ ang totoong may-ari ng titulong Eat Bulaga, posibleng makuha nila 'yung titulo at mailipat nila sa bago nilang show, ang bagong Eat Bulaga sa NET 25."
"Pero kung wala, iiwan nila 'yun. Otherwise, court battle ito," giit ni Ogie.
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:
Ang Eat Bulaga ang longest running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.
Inulan ng espekulasyon ang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulag.
Kaugnay nito, nagpaunlak ng panayam si Mayor Bullet Jalosjos, Chief Finance Officer ng TAPE Inc., sa programang Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa isyu. Naglabas siya ng mga pahayag mula sa TAPE, tungkol sa rebranding umano na magaganap sa programa.
Matapos ito, sunod-sunod na interviews din ang pinaunlakan ni Senator Tito Sotto upang ibahagi naman ang panig nila bilang host ng nasabing programa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh