Marjorie Barretto, naibahagi ang unang pagkakakilala kay Gerald Anderson

Marjorie Barretto, naibahagi ang unang pagkakakilala kay Gerald Anderson

- Ayon kay Marjorie Barretto, una niyang nakilala si Gerald Anderson noong hindi pa ito masyadong sikat na artista at kakalabas pa lamang sa 'Pinoy Big Brother'

- Aniya, kasama ni Gerald ang kanyang mga kaibigan nang nakita siya nito at si Gerald daw mismo ang lumapit sa kanya para bumati

- Para naman kay Gerald, hindi naman niya masyadong kilala noon si Marjorie pero mukha daw artista si Marjorie kahit malayo kaya siya mismo ang lumapit

- Pinagyabang daw ni Marjorie sa mga anak niya ang ginawa ni Gerald para ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng pagbibigay galang sa mga artistang mas nauna sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Marjorie Barretto ang unang pagkakataon na nakilala niya si Gerald Anderson noong hindi pa daw ito artista. Dahil sa ginawa ni Gerald kay Marjorie ay nagkaroon daw ng soft spot si Gerald sa kanya.

Read also

Marjorie Barretto, nakikita na magiging mabuting ama si Gerald Anderson sa magiging anak

Marjorie Barretto, naibahagi ang unang pagkakakilala kay Gerald Anderson
Marjorie Barretto, naibahagi ang unang pagkakakilala kay Gerald Anderson (Marjorie Barretto/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Marjorie, bukod-tanging si Gerald ang lumapit sa kanya mula sa kanilang magkakasama para lamang bumati. Aniya ay tumatak sa kanya ang ginawang ito ni Gerald.

Many years ago, bagong bagong artista ka pa lang. As a matter of fact hindi ka pa yata artista. I was in ABS-CBN tapos yung part pa nung radio station ha? So hinihintay ko yung sundo ko. I don't know what I was doing in ABS-CBN kasi hindi naman na ako masyadong active nun as an artista. And I'm sure nanggaling kang Gensan so hindi mo rin ako masyadong kilala. Alam mo lang siguro na siguro dating artista.

Pinagyabang daw ni Marjorie sa mga anak niya ang ginawa ni Gerald para ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng pagbibigay galang sa mga artista.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Andrew Schimmer, inalala ang misis: "The very first birthday and father’s day without her"

Pag-uwi ko, niyayabang ko sa mga bata yun. Niyayabang ko yun. "Alam nyo si Gerald bumati, ganyan. Kasi gusto kong maintindihan ng mga anak ko yung difference ng bumabati .

Ito umano ang isa sa mga dahilan kung bakit mas madali silang naging malapit ni Gerald.

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Read also

Luis Manzano sa AI yearbook pics ni Alex: "Lahat ng pic, halatang nangongopya lang sa katabi"

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel