Marjorie Barretto, nakikita na magiging mabuting ama si Gerald Anderson sa magiging anak

Marjorie Barretto, nakikita na magiging mabuting ama si Gerald Anderson sa magiging anak

- Ayon kay Marjorie Barretto, nakikita niyang magiging mabuting ama si Gerald Anderson pag naging tatay na siya

- Sa kanyang vlog, nakwento ni Marjorie kung paano nakumbinsi ni Gerald ang anak niyang si Erich na malampasan ang kanyang takot

- Pinagluto ni Marjorie si Gerald ng isa sa kanyang paboritong ulam at ito daw ay ang chicken curry

- Naibahagi din ni Marjorie kung gaano ka lapit si Gerald sa kanyang mga anak lalo na sa bunso niyang si Erich

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Marjorie Barretto, nakikita niyang magiging mabuting ama si Gerald Anderson pagdating ng panahon. Si Gerald ang kanyang guest sa kanyang vlog kung saan pinagluto niya ito ng isa sa paborito niyang pagkain.

Marjorie Barretto, nakikita na magiging mabuting ama si Gerald Anderson sa magiging anak
Marjorie Barretto, nakikita na magiging mabuting ama si Gerald Anderson sa magiging anak (Marjorie Barretto/YouTube)
Source: Youtube

Nakwento ni Marjorie ang ginawa ni Gerald na pagkukumbinsi kay Erich para maharap nito ang kanyang takot.

Read also

Marjorie Barretto, naibahagi ang unang pagkakakilala kay Gerald Anderson

Alam mo Ge, you will be a good father when the time comes kasi magaling ka sa bata, alam mo ba yun?

Nabanggit ni Marjorie na may takot si Erich sa escalator at namotivate ni Gerald si Erich na subukang mag-isa ang escalator. Medyo na overcome daw ni Erich ang fear niyang ito dahil kay Gerald.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.

Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel