Andrew Schimmer, inalala ang misis: "The very first birthday and father’s day without her"

Andrew Schimmer, inalala ang misis: "The very first birthday and father’s day without her"

- Sa kanyang kaarawan, inalala ni Andrew Schimmer ang yumaong misis na si Jho Rovero

- Aniya, ito raw ang palaging nagpapaalala sa kanya na ipagdiwang ang kanyang kaarawan

- Subalit ngayong taon, ito ang unang birthday at Father's Day na hindi na niya kapiling ang pinakamamahal na asawa

- Disyembre ng nakaraang taon nang pumanaw ang misis ni Andrew na isang taong naratay dahil sa asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na inalala ni Andrew Schimmer ang kanyang namayapa nang misis na si Jho Rovero sa kanyang kaarawan.

Andrew Schimmer, inalala ang misis: "The very first birthday and father’s day without her"
Andrew Schimmer kasama ang misis na si Jho Rovero (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

Ayon kay Andrew, ito raw ang nagpapaalala sa kanya ng kanyang kaarawan at sinasabing ipagdiwang ito.

"Hindi ako mahilig mag celebrate ng Birthday…lagi ko sha actually nakakalimutan, or minsan sinasadja mong kalimutan, dahil alam mong tatanda ka nanaman ng isang taon…tumanda kana, gumastos ka pa. But my wife was always there surprising me. Lagi niya sinasabi sakin "mag-celabrate ka kaya, minsan ka lang mabubuhay noh. Hindi mo alam kung next year kasama mo pa 'yung mga taong kasama mo ngayon”

Read also

Andrew Schimmer, emosyonal na inalala ang kaarawan ng yumaong partner

Ayon pa kay Andrew, ito ang unang taon na magdiriwang siya ng iba't ibang okasyon na wala na ang kanyang misis sa kanyang tabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Those were Her words…and remembering it right now breaks me apart. Because this is going to be the very first Birthday and Father’s Day without Her"

Kaya payo ni Andrew, sulitin ang bawat pagkakataong kasama ang mahal sa buhay.

"Kaya habang buhay tayo, at ang mga taong mahal natin, mga pamilya, mga kaibigan…don’t forget to celebrate each day with love and fun. Celebrate it with them, while we still can. Because regret is the most painful thing that you can feel in this world."

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Read also

AJ Raval, ibinida ang kanyang husay sa paglaro ng lato-lato

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa.

Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel