Andrew Schimmer, inalala ang yumaong misis sa birthday greeting para sa anak

Andrew Schimmer, inalala ang yumaong misis sa birthday greeting para sa anak

- Emosyonal si Andrew Schimmer sa pagbibigay mensahe sa na anak na si Andrea na nagdiwang ito kamakailan ng kanyang ika-16 na kaarawan

- Inalala rin kasi nito ang namayapang asawa na tiyak umano siyang proud sa kanilang panganay na anak

- Binigyang payo rin niya ang anak ukol sa kanilang sitwasyon at sa kung paano nila haharapin ang buhay

- Matatandaang bago mag-Valentine's Day, ipina-tattoo ni Andrew ang mukha ng pumanaw na misis na si Jho Rovero

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na nag-viral ang post ni Andrew Schimmer para sa kanyang panganay na anak na si Andrea na nagdiwang ng kanyang 16th birthday.

Andrew Schimmer, inalala ang yumaong misis sa birthday greeting para sa anak
Andrew Schimmer kasama ang pamilya (The Schimmers)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na emosyonal ang naturang post gayung inalala rin ni Andrew ang yumaong partner na si Jho Rovero.

Read also

Ogie Diaz, nakausap si Sachzna Laparan tungkol sa hiwalayan nila ni Jerome Ponce

"Andrea, Happy 16th Birthday nak... I know, a lot happened in just a short period of time. And those series of sad happenings and unfortunate events forced you to mature forced you to think and eventually forced you to move outside your comfort zone"
"The passing of your mother broke us from all angles of our lives. And I saw you stood your ground, and fought your way out of that misery."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Your Mommy anak is soo so proud of you in heaven right now, and I know that from the bottom of my heart. she loves you very much Andrea Schimmer, you mean the whole world to Her. I don’t wanna make you cry anymore, I just want to remind you of that unconditional love anak, and I want you to carry that inside your heart for the rest of your life."

Read also

Bea Alonzo, may 3M subscribers sa kanyang YT; nagdiwang kasama ang mga bata sa ECPAT

Narito ang kabuuan ng post:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa.

Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel