Andrew Schimmer, emosyonal na inalala ang kaarawan ng yumaong partner

Andrew Schimmer, emosyonal na inalala ang kaarawan ng yumaong partner

- Inalala ni Andrew Schimmer ang kaarawan ng yumaong partener na si Jho Rovero

- Aminado itong nami-miss ang partner maging ang pag-aalaga niya rito habang nakikipaglaban sa karamdaman sa loob ng halos isang taon

- Matatandaang hindi rin napigilang maging emosyonal ni Andrew nang magdiwang siya ng unang kaarawang wala si Jho

- Disyembre ng nakaraang taon nang pumanaw ang misis ni Andrew na isang taong naratay dahil sa asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nadurog ang puso ng mga netizens nang mabasa ang emosyonal na post ni Andrew Schimmer bilang paggunita sa kaarawan ng yumaong partner na si Jho Rovero.

Andrew Schimmer, emosyonal na inalala ang kaarawan ng yumaong partner
Andrew Schimmer kasama ang mga anak (The Schimmers)
Source: Facebook

Sa kanyang post, makikita ang huling larawan niya kasama ang partner na noo'y nakaratay na sa ospital.

This was our last stare down… Lagi kitang kinakausap nun hanggang sa makatulog ka everytime. Eto yung huling tinitigan mo’ko ng matagal sa mata mami bago ka makatulog ng sobrang haba ulit . HAPPY BIRTHDAY mahal ko… I miss how you look at me like this…lagi mo Kong tinititigan ng ganito nun, just to let me know that you’re ok. Lalo pag naririnig mo’kong nagaalala.

Read also

Lumang panayam kay Joey de Leon kaugnay sa aniya'y habilin ni Francis M, viral

Aminado si Andrew na maging ang pag-aalaga niya sa nobya ay kanyang nami-miss gayung nakakasama pa rin niya ito sa mga panahon na iyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

I miss taking care of you my dear. San man tayo makarating, wag mong kakalimutan ung pangako natin. I will hold that forever in my heart, until that day comes, when I can look at you straight in the eye again.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Read also

AJ Raval, ibinida ang kanyang husay sa paglaro ng lato-lato

Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa.

Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibinahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel