Jhong Hilario, ibinida ang performance level na pagkanta ni Sarina ng 'Reflection'

Jhong Hilario, ibinida ang performance level na pagkanta ni Sarina ng 'Reflection'

- Ibinahagi ni Jhong Hilario ang video ng anak niyang si Sarina na kumakanta ng awiting 'Reflection'

- Sa video na binahagi ni Jhong ay makikitang hindi pa agad kumanta si Sarina pero nang tumugtog na ang chorus ay todo-bigay ito sa pagkanta

- Hindi din maitago ni Jhong ang tuwa sa performance ni Sarai dahil base sa kanyang caption ay inakala niyang hindi na ito kakanta

- Muli ay kinaaliwan ng netizens at umani ng mga papuri si Sarina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang mag-amang Jhong Hilario at Baby Sarina sa bagong video na binahagi ni Jhong. Makikita sa video ang pagkanta nila ng awiting 'Reflection.'

Jhong Hilario, ibinida ang performance level na pagkanta ni Sarina ng 'Reflection'
Jhong Hilario, ibinida ang performance level na pagkanta ni Sarina ng 'Reflection' (@sarinahilario)
Source: Instagram

Sa video na binahagi ni Jhong ay makikitang hindi pa agad kumanta si Sarina pero nang tumugtog na ang chorus ay todo-bigay ito sa pagkanta. Kaya naman, inakala ni Jhong na hindi ito kakanta.

Read also

Rosmar, 'di ganon kalakas ang Php5 million na kita a day: "Pumapalo po ng Php13M"

Yung akala mong hindi magpeperform pero performance level pala! watch till the end! @sarinahilario @maialevisteazores #sarina2023 #sampleprincess

Kinaaliwan si Sarina ng mga netizens sa pagiging bibo nito. Narito ang ilan sa mga komento:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sari you're so cute smart adorable..I love you baby sari..
Hellp bb sari. Sya tlga fave ko sa lahat ng mga bb celeb kase iba sya... napaka bb pa pro apaka cooperative sa lahat , makipag usap, shows talent, and alam nya how to deal sa crowd..package ka bb sari
Kagaling nmn tlga ng bebe sarina na yan

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel