Vice Ganda, binayaran ang mahigit 50,000 na utang ng isang may-ari ng karinderya

Vice Ganda, binayaran ang mahigit 50,000 na utang ng isang may-ari ng karinderya

- Sa panibagong vlog ni Vice Ganda ay binahagi niya ang naging biyahe at pamamasyal niya kasama ang mga kaibigang sina Donna, Petite at Negi

- Sa kanilang biyahe ay dumaan sila sa isang karinderya kung saan nakausap ni Vice Ganda ang may-ari

- Napansin niya na luma na ang mga mesa at upuan kaya pinalitan ni Vice ng bago ang mga ito pati na rin ang mga lalagyan ng pagkain

- Bukod pa dito ay binayaran na ni Vice ang lahat ng tinitinda nitong pagkain at nagpadala pa ng pera para mahulugan na nito ang isang buwang dapat niyang hulugan sa pinagkakautangan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinadalhan ni Vice Ganda ng mahigit P50,000 ang isang may-ari ng maliit na karinderya kung saan sila kumain kasama ang mga kaibigan niya. Bukod pa dito sa pinadalang pambayad sa utang, pinalitan din ni Vice ang mga mesa at upuan.

Read also

Ice Seguerra, sinorpresa ang dating ka-loveteam na si Spencer Reyes

Vice Ganda, binayaran ang mahigit 50,000 na utang ng isang may-ari ng karinderya
Vice Ganda, binayaran ang mahigit 50,000 na utang ng isang may-ari ng karinderya (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Hindi naman napigilang maiyak ng ale dahil aniya, malaking bagay na nakakauwi sila ng maaga para makapagpahinga dahil sa binigay na tulong sa kanila ni Vice. Binayaran na rin ni Vice ang mga pagkaing ibinebenta niya noong araw na kumain sila sa karinderya nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel