Jhong Hilario, ibinida ang unang music video na ginawa ni Sarina

Jhong Hilario, ibinida ang unang music video na ginawa ni Sarina

- Ibinahagi ni Jhong Hilario ang video ng anak niyang si Sarina na kumakanta ng awiting 'Fly Me to The Moon'

- Dinala siya ng kanyang mga magulang sa recording studio kung saan makikita ang kanyang saya habang kumakanta

- Ang awiting Fly Me to The Moon ang isa sa mga unang kanta na natutunan niya at kinakanta niya kahit noong isang taong gulang pa lamang siya

- Umani naman ng papuri si Sarina sa kanyang kauna-unahang music video sa edad na dalawang taong gulang

Kinaaliwan si Sarina Hilario sa binahaging music video nito nang kantahin niya ang awiting 'Fly Me to The Moon.' Base sa caption na binahagi ni Jhong Hilario, isang taong gulang pa lang si Sarina ay kinakanta na niya ang awiting ito.

Jhong Hilario, ibinida ang unang music video na ginawa ni Sarina
Jhong Hilario, ibinida ang unang music video na ginawa ni Sarina
Source: Youtube
I love to sing and I have been singing this song since I was just one. Finally went on a field trip to a recording studio and the rest is history!

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng picture ng kanyang bagong gym

Makikita din sa music video ang kanyang mga magulang na todo-suporta sa kanya. Bukod sa pagkanta, nasubukan na rin ni Sarina ang mag-ballet lessons.

Umani naman ng papuri si Sarina sa kanyang kauna-unahang music video sa edad na dalawang taong gulang. Narito ang ilang komento:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Such a sweetheart! A 2 year old sing in tune and words are very clear! Amazing kid!
Nakakawala ka talaga ng pagod Sarina... God Bless you !! You're so Adorable
You nailed it baby...enjoy na enjoy lang siya talaga...️️️Congratulations! ...more music videos to come...loves..loves..baby Sarina..

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Read also

Winwyn Marquez, ibinida ang husay ng anak: "Proud mama here"

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel