Tito Sotto sa pagkalas sa TAPE, Inc: "Binigla kami e di binigla na rin namin"

Tito Sotto sa pagkalas sa TAPE, Inc: "Binigla kami e di binigla na rin namin"

- Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas

- Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano

- Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila

- Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais sabihin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Tito Sotto sa panayam sa kanya nina Tintin at Julius Babao ang aniya'y dahilan kung paano sila nakapagdesisyon na kumalas na sa TAPE, Inc. Wala umano silang ibang plano nitong Miyerkules kundi magtrabaho lang naman.

Tito Sotto sa pagkalas sa TAPE, Inc: "Binigla kami e di binigla na rin namin"
Tito Sotto sa pagkalas sa TAPE, Inc: "Binigla kami e di binigla na rin namin" (@helenstito)
Source: Instagram

Aniya, nagulat sila na bigla silang hindi pinayagang mag-live dahil utos daw ng chairman. Kahit nag-iisip pa kung ano ang kanilang magiging desisyon, nakita nilang baka ito na ay pahiwatig sa kanila ng Panginoon na magdesisyon na.

Read also

Michaela, naiyak at nagselos nang dalhin ng kanyang mommy na si Ethel Booba sa raket nito

Aniya, nangapa sila ng konti sa kanilang sasabihin ngunit naipahatid naman nila ang kanilang gustong sabihin.

Sa kasalukuyan umano ay wala pa silang desisyon kung saan sila lilipat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Sa kasalukuyan kabilang sa mga host ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup.

Read also

TAPE Inc, sinabing mananatili ang Eat Bulaga kasama ang mga umano'y bagong hosts

Sa gitna naman ng mga isyung naglalabasan kaugnay sa umano'y problema sa TAPE Inc, agaw-pansin sa netizens ang post ni Joey sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng screenshot ng isang article patungkol dito. Aniya, natatawa at natutuwa siya dahil hanggang sa ngayon ay pinag-uusapan pa rin sila.

Kamakailan ay kinanta nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang theme song ng Eat Bulaga. Sa gitna ng isyu kaugnay sa umano'y magaganap na rebranding sa noontime show ay may makahulugang mensahe si dating Sen. Tito. Nilinaw niya lalo na sa mga bata na si Vic umano ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ at ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey. Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate