TVJ, kinanta ang Eat Bulaga theme song sa gitna ng lumabas na isyu
- Kinanta nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang theme song ng Eat Bulaga nitong Sabado
- Sa gitna ng isyu kaugnay sa umano'y magaganap na rebranding sa noontime show ay may makahulugang mensahe si dating Sen. Tito
- Nilinaw niya lalo na sa mga bata na si Vic umano ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ at ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey
- Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Mismong sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang kumanta ng theme song ng Eat Bulaga nitong Sabado. Ito ay sa gitna ng isyung lumalabas kaugnay sa umano'y rebranding ng show.
Matapos silang ipakilala na kabilang sa mga hurado sa grand finals ng kanilang segment na “Little Miss Diva”, kinanta nila ang theme song ng kanilang show na hindi nila kadalasang ginagawa kundi tuwing may mga mahahalagang kaganapan sa kanilang show.
Makahulugan naman ang mensahe ni dating Sen. Tito matapos ang kanilang pagkanta.
Sa mga kabataan, para sa mga Diva at mas bata pa sa kanila. Nililinaw ko lang ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ si Vic Sotto. Ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey de Leon,”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio.
Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show na umi-ere sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer ng naturang show na pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga naunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Sa kasalukuyan sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup ang host ng naturang show.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Rochelle Pangilinan ang pagbisita nila ng anak niyang si Shiloh Jayne sa Eat Bulaga studio. Sa kanyang post ay binahagi ni Rochelle ang pictures ng anak kasama sina Bossing, Maine Mendoza at Jose Manalo. Matatandaang si Rochelle ay unang sumikat sa naturang noontime show bilang lider ng isang girl group.
Sa gitna naman ng mga isyung naglalabasan kaugnay sa umano'y problema sa TAPE Inc, agaw-pansin sa netizens ang post ni Joey sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng screenshot ng isang article patungkol dito. Aniya, natatawa at natutuwa siya dahil hanggang sa kasalukuyan ay pinag-uusapan pa rin sila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh