Alden Richards sa pag-aasawa: "Dapat by 35, kasal na ‘ko"

Alden Richards sa pag-aasawa: "Dapat by 35, kasal na ‘ko"

- Ayon kay Alden Richards, gusto niyang maikasal na pagdating sa edad niyang 35

- Ito umano ang kanyang sinasabi sa kanyang sarili ngunit sa ngayon ay wala daw talaga siyang karelasyon

- Aniya, hinanap niya at pinilit niya ngunit sa tingin niya ay hindi nag-wo-work kapag pinipilit

- Gusto daw niya magkaasawa at gusto niyang buo ang kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Alden Richards na gusto niyang makapag-asawa sa edad na 35. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naibahagi niyang wala siyang karelasyon sa kasalukuyan ngunit ito umano ang gusto niya sana.

Alden Richards sa pag-aasawa: "Dapat by 35, kasal na ‘ko"
Alden Richards sa pag-aasawa: "Dapat by 35, kasal na ‘ko" (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Aniya, hinanap niya at pinilit niya ngunit sa tingin niya ay hindi nag-wo-work kapag pinipilit niya.

“The more ko siyang pinipilit, the more siyang nawawala. Parang buhangin po eh, the more kang kumakapit sa buhangin, lalong kumakawala sa kamay mo.”

Read also

Miss Grace, nagkwento kay Luis Manzano ukol sa hiwalayan nila ni Pambansang Kolokoy

Aniya, gusto niya magkaroon ng buong pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Gusto ko po may asawa. Mahirap po 'yung single parent. At tsaka ayoko po i-deprive yung anak ko na lalaki siya na tatay lang 'yung kilala. Gusto ko buo 'yung family.”

Si Richard Reyes Faulkerson Jr. o mas kilala sa kanyang screen name na Alden Richards ay isang actor, host, producer at entrepreneur. Binansagan siya bilang "The Asia's Multimedia Star" matapos makatanggap ng Asian Star Prize awards sa 14th Seoul International Drama Awards of 2019 for acting. Nakilala siya bilang kapareha ni Maine Mendoza sa tandem nilang AlDub sa Eat Bulaga.

Ayon kay Ogie Diaz, magbibigay siya ng P100,000 kung may mailalabas na anak ang isa sa mga AlDub fan na nagsalita sa isang video. Dagdag pa niya, P150,000 naman ang ibibigay niya kung mapapatunayan nito na may apo na rin ang AlDub. Sa naturang video ay sinasabi ng isang AlDub fan na totoo daw na may anak talaga sina Maine at Alden. Ito ay sa kabila ng paglilinaw kamakailan ni Maine na wala itong katotohanan.

Read also

Vice Ganda, gabi-gabing nais makita ang ina: "'Yung mukha niyang walang pustiso"

Kamakailan ay inalmahan ni Cristy Fermin ang ilang Aldub fans na tila nagdududa pa kung si Arjo Atayde nga ang kasama ni Maine sa bakasyon nito kamakailan. Aniya, may ilang AlDub fans pa umanong magtutungo sa airport upang salubungun si Maine. Dahil sa muling pagkabuhay ng isyu sa AlDub, tila iba na raw ang nararamdaman ni Cristy sa naturang kontrobersiya. Tila binabarikadahan pa rin umano ng ilang AlDub fans ang mga iniidolo nila kahit si Maine ay engaged na kay Congressman Atayde.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel