Ogie Diaz, hinamon ang isang AlDub fan na patunayang may anak na sina Maine Mendoza at Alden Richards

Ogie Diaz, hinamon ang isang AlDub fan na patunayang may anak na sina Maine Mendoza at Alden Richards

- Ayon kay Ogie Diaz, magbibigay siya ng P100, 000 kung may mailalabas na anak ang isa sa mga AlDub fan na nagsalita sa isang video

- Dagdag pa niya, P150,000 naman ang ibibigay niya kung mapapatunayan nito na may apo na rin ang AlDub

- Sa naturang video ay sinasabi ng isang AlDub fan na totoong may anak daw talaga sina Maine Mendoza at Alden Richards

- Ito ay sa kabila ng paglilinaw kamakailan ni Maine na wala itong katotohanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa tweet ni Ogie Diaz, binahagi niya ang video ng isang AlDub fan na nagsasabing may anak na daw talaga sina Maine Mendoza at Alden Richards. Ayon naman kay Ogie, magbibigay siya ng P100, 000 kung may mailalabas silang anak nina Alden at Maine.

Ogie Diaz, hinamon ang isang AlDub fan na patunayang may anak na sina Maine Mendoza at Alden Richards
Ogie Diaz, hinamon ang isang AlDub fan na patunayang may anak na sina Maine Mendoza at Alden Richards (@facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

Dagdag pa ni Ogie, magbibigay siya ng P150K kung mapapatunayang may apo na rin ang AlDub. Sa video na kanyang binahagi ay sinasabi ng fan na hindi dapat magalit sa AlDub fans. Tinatago lang daw nila ang totoo para sa mga TV projects nina Maine at Alden.

Read also

Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito ay sa kabila ng paglilinaw kamakailan ni Maine na wala itong katotohanan.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Read also

Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel