Vice Ganda, gabi-gabing nais makita ang ina: "'Yung mukha niyang walang pustiso"

Vice Ganda, gabi-gabing nais makita ang ina: "'Yung mukha niyang walang pustiso"

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang lambingan umano nilang mag-ina bago matulog

- Hindi umano natatapos ang araw niya nang hindi nakikita ang kanyang ina kahit sa video call

- Ani Vice, kailangan niya munang makita ang mukha nang ito kahit na wala itong pustiso

- Noon pa man, kilala si Vice sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Vice Ganda ang kulitan nilang mag-ina gabi-gabi na labis umanong pinahahalagahan ni Vice.

Nalaman ng KAMI na emosyonal na naikwento ni Vice kung paano maglambing sa kanya ang kanyang Nanay Rosario.

Vice Ganda, gabi-gabing nais makita ang ina: "'Yung mukha niyang walang pustiso"
Vice Ganda (Magandang Buhay)
Source: Facebook
"I really appreciate every time na may ganyan kang arte. Gusto ko siyang makasama, gusto ko siyang makausap. O ba't ka tumatawag? Wala, gusto lang kitang makita. Sobra ko 'yon naa-appreciate. Kasi doon ko nare-realize 'yung value mo as a person."

Read also

Ogie D sa pagiging present ni Carlo sa Moving Up ng anak: "Ibang klaseng magpa-bond ang anak"

"Sa gulo ng mga nangyayari sa paligid, meron at merong isang taong ikaw pa rin yung gusto niyang makita, makasama. Kasi bibigyan mo siya ng pera, rumampa ka... hindi, gusto niya akong makasama. Ang sarap nun," pahayag ni Vice nang maging panauhin sila at mga malalapit sa puso niya sa programang Magandang Buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naibahagi rin niya ang kulitan nilang mag-ina gabi-gabi, bago ito matulog.

"Every night, tumatawag talaga siya, nag-uusap kami bago kami matulog. Kailangang makita ko muna 'yung mukha niyang walang pustiso, every night," ani Vice.

Kasama rin nina Vice ang kapatid nitong si Marivic na saludo sa kapatid lalo na sa pagpapahalaga nito sa kanila.

Hindi rin daw ito nakakalimot sa pangungumusta kahit gaano pa ito ka-busy kaya't ang simpleng pagsagot nito ng "I love you too" ay labis na mahalaga sa kanila.

Read also

Cristy sa dating Eat Bulaga host na si Ruby: "Ang sabi niya, I kept quiet for the longest time"

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Magandang Buhay at ABS-CBN Entertainment YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.6 million subscribers.

Kamakailan, hinangaan di Vice dahil sa tulong na ibinigay nito sa isang street sweeper na Php145 lang kada araw ang kinikitang allowance. Bilang pandagdag kabuhayan, binigyan ito ni Vice ng puhunan upang makapagpatayo ng munting sari-sari store.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel