Vice Ganda, bibigyan ng puhunan ang street sweeper na Php145 ang kita kada araw

Vice Ganda, bibigyan ng puhunan ang street sweeper na Php145 ang kita kada araw

- Naging emosyonal ang street sweeper na si Nanay Darlene sa hindi inaasahang biyaya mula kay Vice Ganda

- Nalaman nitong Php145 ang allowance na natatanggap nito araw-araw sa pagwawalis bukod sa paglalako

- Naiyak sa saya si Nanay Darlene nang sabihin ni Vice na bibigyan niya ito ng puhunan para magkaroon ng sari-sari store

- Naisip din kasi ni Vice ang umano'y mga anak ni Darlene na pumapasok sa eskwela nang walang baon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis-labis ang kasiyahang nadarama ng isa sa mga contestants ng It's Showtime na si Nanay Darlene sa hindi inaasahang biyaya mula kay Vice Ganda.

Vice Ganda, binigyan ng puhunan para sa sari-sari store ang isang street sweeper
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naantig umano ang puso ng It's Showtime host nang malamang Php145 kada araw ang allowance nito sa pagiging isa umanong street sweeper bukod sa paglalako.

Read also

Gardo Versoza, aminadong nasasaktan sa kumakalat na death hoax

Maging si vice ay nagulat sa halagang ito dahilan para hindi makapagbaon araw-araw ang anak ni Nanay Darlene.

Kaya naman natanong ni vice kung may iba pa itong pwedeng pagkakitaan tulad ng sari-sari store.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Wala po akong puhunan e," sagot ni Nanay Darlene na napatili nang magsabi ng "Meme Vice" ang audience.

"Na-pressure naman ako sa mga reaksyon niyo," ani Vice at nagkwentong maging siya ay nakaranas na magkaroon ng sari-sari store.

"Kasi natatandaan ko sa bahay namin sa La Union, 'pag summer kasi 'dun ako nakatira dati, nagsasari-sari store din ako. Sa bintana lang. naka-thumb tacks lang 'yung mga paninda ta's nakalatag 'dun sa ano, improvised kumbaga."

Mas lalong napatili sa saya si Nanay Darlene nang sabihin na ni Vice "O sige, bibigyan kita ng panimula mo, maliit na halaga lang naman 'yun pero makakatulong kahit na paano"

Read also

Kuya Wil, may concert tour sa USA ani Cristy Fermin: "Mukhang sa June na ito"

Narito ang kabuuan ng nakakaantig pusong video ng pagbahahagi ng blessings ni Vice mula sa It's Showtime.

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.6 million subscribers.

Kamakailan, talagang naging usap-usapan ang pagkakaroon nina Vice at Ion ng mamahaling aso na nagkakahalaga ng Php380,000. Maging si Cristy Fermin ay wala umanong nakitang masama sa ginawa na ito nina Vice at Ion na nakamura na raw sa pagbili ng naturang aso na nagbigay pa ng labis na kaligayahan sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel