Gardo Versoza, aminadong nasasaktan sa kumakalat na death hoax

Gardo Versoza, aminadong nasasaktan sa kumakalat na death hoax

- Aminado si Gardo Versoza na nasasaktan siya at kanyang pamilya sa pinapakalat na death hoax sa kanya

- Aniya, hindi pa siya patay ay parang pinapatay na siya ng iba para lang magkaroon ng content

- Lalo umano itong hindi dapat gawing biro dahil nanggaling siya sa puntong nalagay sa alanganin ang kanyang buhay

- Naiisip din daw nila kung ano magiging epekto nito sa anak nila ng kanyang asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Gardo Versoza, maaring pabayaan na lang nila yung kumakalat na death hoax ngunit aniya, dahil parang ‘yung isa daw niyang paa, nasa hukay na, hindi niya pwedeng palampasin ito. Sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, nabanggit ni Gardo na maaaring sobrang pagod at ang matindi niyang pagwo-workout at pagbibisikleta ang dahilan kaya siya inatake sa puso.

Read also

Aga Muhlach, payag mag-artista ang mga anak basta magtapos muna ng pag-aaral

Gardo Versoza, aminadong nasasaktan sa kumakalat na death hoax
Gardo Versoza, aminadong nasasaktan sa kumakalat na death hoax (@gardo_versoza)
Source: Instagram
“Masakit sa akin [at] para sa pamilya ko, kasi hindi ka pa patay pinatay ka na nila. Kung hindi siya nanggaling sa scenario na galing sa atake, pwede mong palipasin. Pero kasi ito, fresh pa eh,”

Naiisip din daw nila kung ano magiging epekto nito sa anak nila ng kanyang asawa.

“Galing ka sa ICU tapos dalawang ugat ang barado, parang ‘yung isa mong paa, nasa hukay na. Lalo na ngayon, para lang sa content, ‘yun ang gagamitin. Anong iisipin ng anak namin kapag nabasa niya? Anong magiging epekto n’un sa kanya,”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Read also

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong sa kanya.

Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel