Aga Muhlach, payag mag-artista ang mga anak basta magtapos muna ng pag-aaral

Aga Muhlach, payag mag-artista ang mga anak basta magtapos muna ng pag-aaral

- Ayon kay Aga Muhlach, walang problema sa kanya sakaling gustong mag-artista ng kambal nilang anak

- Gayunpaman, may kondisyon na dapat ay magtapos at unahin muna nila ang kanilang pag-aaral

- Naibahagi din niya na tinuturuan nilang mag-asawa na maging independent ang mga anak

- Kasalukuyang nasa ibang bansa ang kanilang mga anak para sa kanilang pag-aaral

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Aga Muhlach, kailangangan magtapos muna ng pag-aaral ang dalawang anak kung gusto nilang gawin ang gusto nila sa buhay kagaya ng pag-aartista. Sa panayam ni Karen Davila sa mag-asawang Aga at Charlene, naibahagi din niya na tinuturuan nilang mag-asawa na maging independent ang mga anak.

Aga Muhlach, payag mag-artista ang mga anak basta magtapos muna ng pag-aaral
Aga Muhlach, payag mag-artista ang mga anak basta magtapos muna ng pag-aaral (@agamuhlach317)
Source: Instagram
“Basta sa akin, finish school for you to experience independence. Maiintinidhan niyo ‘yung buhay na walang pera kapag nasa ibang bansa kayo, wala kayong driver, walang kasambahay, kayo ang gagawa lahat."

Read also

Gardo Versoza, aminadong nasasaktan sa kumakalat na death hoax

Posible din daw lumaki silang spoiled kung dito lang sila. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang kanilang mga anak para sa kanilang pag-aaral.

“Kung dito sila lalaki, spoiled sila sa bahay eh. Doon, ‘yung baon nila, naramdaman na nila na maubos yun. Nakita nila ‘yung halaga ng one dollar,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Payo ng aktor sa mga anak, huwag silang aasa sa mga magulang nila.

“Lumaki akong mag-isa. Lumaki akong ako nag-alaga sa sarili ko. So ang gusto ko sa mga anak ko, alagaan n’yo ang sarili n’yo, huwag kayong umasa sa magulang n’yo.

Si Aga Muhlach o Ariel Aquino Muhlach sa totoong buhay ay isang kilalang batikang aktor sa Pilipinas. Siya ay binansagang "King of Romance-Drama" at the Philippines' Original Hearthrob. Kabilang sa mga paggawad sa kanya ay mula sa Star Awards, Maria Clara Awards, at FAMAS Award.

Read also

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

Matatandaang sina Aga at Charlene ang guests ni Karen Davila sa kanyang video sa kanyang YouTube channel. Naitanong ni Karen sa kanila kung ano ang sekreto nila sa kanilang 22 years na mag-asawa pero para silang mag-girlfriend at magboyfriend pa rin. Kahit palagi silang magkasama ay tila hindi daw sila nauubusan ng mapag-uusapan. Best friend nila ang isa't-isa at parehas nilang pangarap na magkaroon ng buong pamilya dahil mula sila sa broken family.

Binati nina Aga at kanilang dalawang anak si Charlene Gonzales sa kaarawan nito kamakailan. Ibinahagi din ni Aga ang kanilang family picture sa kanyang greeting. Inilarawan niya bilang isang queen and aniya'y "anchor" ng kanilang pamilya ang kanyang asawa. Hindi din niya kinalimutang ihayag ang kanyang pagmamahal sa para sa kanyang asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel