Vice Ganda, nagtanong ng detalye ng surrogacy kay Joel Cruz ayon kay Ogie D

Vice Ganda, nagtanong ng detalye ng surrogacy kay Joel Cruz ayon kay Ogie D

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang detalye umano ng pagtatanong ni Vice Ganda tungkol sa surrogacy kay Joel Cruz

- Matatandaang si Joel ay ang kilalang negosyante sa bansa na nagkaroon ng walong anak sa pamamagitan ng proseso ng surrogacy

- Ani Joel, kinausap siya ni Vice na interesado umanong magkaanak lalo na at tumitibay umano ang samahan nila ni Ion Perez

- Dahil dito, binigyan niya agad ito ng tips at rekomendasyon na sa USA, Singapore o India niya ito maaring ipagawa at hindi na sa Russia tulad ng nagawa ni Joel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie Diaz ang panayam niya kay Joel Cruz patungkol kay Vice Ganda.

Vice Ganda, nagtanong ng detalye ng surrogacy kay Joel Cruz ayon kay Ogie D
Vice Ganda and Ion Perez (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging maugong umano ang balitang nais na magkaroon ng anak nina Vice Ganda at Ion Perez sa pamamagitan ng surrogacy.

Read also

Ogie D, may paalala kay Boobay; "Siyempre ang mga producers, baka matakot din sila"

Ito umano ang proseso na ginawa naman ni Joel Cruz para magkaroon siya ng walong mga anak.

Kinumpirma mismo ng big boss ng Aficionado na nagkausap nga sila ni Vice sa balak nitong pagkakaroon ng anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Nung dumating siya, ayun nagtanong na siya about dun sa surrogacy. Sabi ko, oo nga nabalitaan ko nga na gusto mo yung ganon, sabi ko that's good. Kasi nagkikwento siya about sa love life niya silang dalawa ni Ion, so it's good to know na nagmamahalan 'yung dalawa. Mahal niya si ion, mahal siya ni Ion, so that's good to know."

"Ngayon, gusto nilang magkaanak... Natutuwa naman ako na sa kanya yung gagamitin. 'Di ko alam yung next plan nila siguro si Ion naman," ani Joel.

"You better go to US or sa Singapore, or India. Kasi 'yung sa Russia ko, mahal. sa isang pares sa kambal umabot ako ng 12 million pesos lahat-lahat."

Read also

Donnalyn, naiyak nang maalala ang laman ng wallet nang unang bumalik sa Pinas

Mas mahal nga lang umano ang presyo ng ganitong proseso sa USA na umabot ng katumbas 20 million pesos kaya't inirekomenda ni Joel ang Singapore at India.

"More of he's asking several questions. I believe naman na 'yun ang direksyon nila na magkaroon sila ng anak"

Narito ang kabuuan ng detalyeng naibahagi ni Joel Cruz mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Vice Ganda ay isang TV host at comedian na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.47 million subscribers.

Kamakailan, talagang naging usap-usapan ang pagkakaroon nina Vice at Ion ng mamahaling aso na nagkakahalaga ng Php380,000. Maging si Cristy Fermin ay wala umanong nakitang masama sa ginawa na ito nina Vice at Ion na nakamura na raw sa pagbili ng naturang aso na nagbigay pa ng labis na kaligayahan sa dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel