Miss Grace, nagkwento kay Luis Manzano ukol sa hiwalayan nila ni Pambansang Kolokoy

Miss Grace, nagkwento kay Luis Manzano ukol sa hiwalayan nila ni Pambansang Kolokoy

- Naibahagi ni Miss Grace Mondina sa panayam ni Luis Manzano ang kwento tungkol sa paghihiwalay nila ni PK

- Aniya, nakumpirma niya umano ang tungkol sa karelasyon ni PK nang tumawag umano ang babae sa kanya

- Matapos daw niyang malaman ito, nagkaayos pa sila ni PK at handa pa siyang tanggapin ito dahil mahal niya ito at para buo ang kanilang pamilya

- Gayunpaman, habang tumatagal ay napagtanto raw niyang may bata umanong involved kaya pinapili niya umano si PK

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Miss Grace Mondina ang tungkol sa kwento nang malaman niya ang tungkol sa umano’y relasyon ni PK sa kanyang pag-guest sa YouTube channel ni Luis Manzano. Matapos daw niyang malaman ito, nagkaayos pa sila ni PK at handa pa siyang tanggapin ito dahil mahal niya ito at para buo ang kanilang pamilya.

Read also

Trina Candaza, binahagi ang engagement picture ni LJ Reyes

Miss Grace, naibahaging nagkabalikan pa sila ni PK matapos malamang may iba siyang karelasyon
Miss Grace, naibahaging nagkabalikan pa sila ni PK matapos malamang may iba siyang karelasyon (@withmissgrace)
Source: Instagram

Kinalaunan umano ay naisip niyang may bata umanong involved kaya pinapili niya si PK at mas pinili umano ni PK na makasama ang karelasyon niya dahil dinadala umano nito ang kanyang anak.

Nag-post na noon si PK na hindi siya umano nag-cheat noon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctoral Degree in Nursing.

Matatandaang nagbahagi si Miss Grace ng kanyang mga pictures sa kanyang social media account. Matapos nga silang maghiwalay ni Pambansang Kolokoy ay marami sa mga viewers ng vlog nila ni PK ang naghanap sa kanya. Dahil wala naman siyang sarili niyang YouTube channel ay minabuti na lang niyang ibahagi ang kanyang account sa Facebook at Instagram. Marami ang nakapansin sa kanyang blooming na awra sa kanyang mga pictures na binahagi.

Nag-post din si Ms. Grace ng isang TikTok video kung saan nag-dub siya tungkol sa pagmo-move on. Marami ang naaliw sa kanyang video kung saan sinabi niyang "Pag-naka move-on ka na ay saka mo lang marealize na ang pangit pala ng ex mo." May mga nagkomento sa naturang post at naghayag ng kanilang suporta kay Grace at masaya umano silang makitang nagmo-move on na ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel