Trina Candaza, binahagi ang engagement picture ni LJ Reyes

Trina Candaza, binahagi ang engagement picture ni LJ Reyes

- Ibinahagi ni Trina Candaza sa Instagram story niya ang picture ng engagement ni LJ Reyes

- Kalakip nito ay ang linyang, "One day, this pain will be my testimony"

- Matatandaang kamakailan ay muling nagkasama sina Trina at Carlo Aquino sa moving up ng kanilang anak na si Mithi

- Hinangaan si Trina dahil kahit nagkahiwalay sila ni Carlo ay nanatili itong matatag para sa kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Trina Candaza sa Instagram story niya ang picture ng engagement ni LJ Reyes. Kalakip nito ay ang linyang, "One day, this pain will be my testimony."

Trina Candaza, binahagi ang engagement picture ni LJ Reyes
Trina Candaza, binahagi ang engagement picture ni LJ Reyes (@trinacandaza)
Source: Instagram

Kagaya niya, dumaan din sa matinding hirap si LJ nang maghiwalay sila ng dating karelasyon.

Matapos nga ang paghihiwalay nila ng dating karelasyon at ama ng anak niya na si Carlo Aquino, hindi lingid sa publiko ang hirap na kanyang pinagdaanan matapos niyang ibahagi ang kanyang saloobin sa panayam ni Ogie Diaz.

Read also

Miss Grace, nagkwento kay Luis Manzano ukol sa hiwalayan nila ni Pambansang Kolokoy

Hinangaan si Trina dahil kahit nagkahiwalay sila ni Carlo ay nanatili itong matatag para sa kanyang anak. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, hindi ito nagbitaw ng masasakit na salita laban sa ama ng anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Trina Candaza, binahagi ang engagement picture ni LJ Reyes
Trina Candaza, binahagi ang engagement picture ni LJ Reyes (@trinacandaza)
Source: Instagram

Si Trina Candaza ang dating karelasyon ni Carlo Aquino. Si Carlo ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Read also

Claudine Barretto, pinasalamatan si Dennis Padilla sa pagmamahal nito sa mga anak niya

Kamakailan ay muling namataan si Carlo Aquino kasama ang aktres na si Charlie Dizon sa isang restaurant sa La Union. Sa isang Facebook post ng Halo Halo de iLoko sa La Union, makikita ang picture ng dalawa. Matatandaang nauna na ring nagbahagi ng picture si Charlie kung saan kasama niya si Carlo habang kasama ang mga kaibigan ng aktres. Ang huling napabalitang karelasyon ni Carlo ay si Trina Candaza na siyang ina din ng anak niyang si Mithi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel