Claudine Barretto, pinasalamatan si Dennis Padilla sa pagmamahal nito sa mga anak niya

Claudine Barretto, pinasalamatan si Dennis Padilla sa pagmamahal nito sa mga anak niya

- Pinasalamatan ni Claudine Barretto si Dennis Padilla sa aniya'y patuloy na pagmamahal nito sa kanyang mga anak

- Sa kanyang Instagram post kung saan pinakita niya ang graduation video ni Sabina, nagkomento si Dennis para batiin ang mga anak ni Claudine

- Ibinalita pa ni Claudine na scholar na si Sabina at siyam ang natanggap na awards ni Santino

- Si Dennis ay dating asawa ng kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpasalamat si Claudine Barretto kay Dennis Padilla sa aniya'y pagmamahal ni Dennis sa kanyang mga anak. Sa kanyang Instagram post kung saan pinakita niya ang graduation video ni Sabina, nagkomento si Dennis para batiin ang mga anak ni Claudine.

Claudine Barretto, pinasalamatan si Dennis Padilla sa pagmamahal nito sa mga anak niya
Claudine Barretto, pinasalamatan si Dennis Padilla sa pagmamahal nito sa mga anak niya (@claubarretto)
Source: Instagram

Ibinalita pa ni Claudine na scholar na si Sabina at siyam ang natanggap na awards ni Santino.

Read also

Claudine Barretto, nagpahiwatig tungkol sa pinagdadaanan: "Lalaban na ako"

@dennisastig Thank You so much kuya.may Scholar na ako.si Sab! Santino 9 awards.thank you so much for loving my kids hanggang ngayon.we love you kuya❤️

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Pinagmalaki ni Claudine ang achievements ng dalawang anak niyang sina Santino at Sabina. Binahagi niya ang video na kuha sa Recognition day ni Santino at graduation day naman ni Sabina. Pinasalamatan ni Claudine ang mga anak dahil aniya ay proud na proud siya sa mga ito. Naroroon din ang dati niyang asawa na si Raymart Santiago na kasama nila na umakyat sa entablado.

Read also

Joshua Garcia, nagpakilig sa Eat Bulaga Dabarkads; ginawa muli ang kanyang viral TikTok steps

Nag-post si Sabina Barretto ng kanyang mensahe para sa mga magulang na sina Claudine Barreto at Raymart Santiago. Ito ay sa katatapos lamang na graduation niya kung saan dumalo ang kanyang mga magulang. Bukod kina Raymart at Claudine, pinasalamatan niya rin ang kanyang yaya na aniya ay naging pangalawang ina niya. Nauna na ring naibahagi ni Claudine ang video ng recognition day ni Santino at Graduation day ni Sabina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel